🌹Prologue🌹

2.4K 41 2
                                    

A/N: Ang kwentong ito ay hindi dumaan sa Proofreading kaya paniguradong may makikita kayong mga typos and ungrammatical sentences.

Kasalukuyang pinagmasadan ni Chessa ang anak habang nag lalaro sa katamtamang Lawn na pinalibutan ng mga halam at bulaklak sa garden kasama ang isang matanda na sa tingin niya ay ang yaya ng anak.

Gustong-gusto niya na itong lapitan at yakapin. Ngunit, hindi pa ito ang tamang panahon. Malaki ang kanyang kasalanan sa kanyang mag-ama at hindi iyon basta-bastang pag bigyan ni Marcuz kung sakaling sabihin niyang bumalik na sya upang maging ina ng anak nila.

Napaatras siya at nagtago sa bandang likod ng kanyang kotse nang makita niya si Marcuz na lumabas ng bahay. Hindi siya maaaring makita nito.

Pinagmasdan niya ang dating kasintahan at ama ng kanyang anak, wala paring pinagbago ang mukha nito, siya pa rin ang dating Marcuz na minahal n'ya.

Dahan-dahang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, nasa isip nito ang pag sisisi kung bakit inuna niya ang ambisyon kesa ang makasama ang kanyang mag-ama.

Biglang napapahid ng mga luha ang dalaga nang makita niya ang papalabas na si Arcie at patungo ito sa mag-ama na kasama ang yaya.

Sa kanyang pagmamasid nakita niya kung gaano kalapit ang anak kay Arcie na ngayon ay siya nang nag mamay-ari sa puso ni Marcuz.

Hindi lingid sa kaalaman ni Chessa ang mga nangyari sa kanyang mag-ama habang wala siya sa Pilipinas, sa katunayan ay ka kontsaba niya ang sekretarya ni Marcuz na si Mitzi, minsan niya na itong napakiusapan na e mo-monitor si Marcuz at ang anak nila habang siya ay nasa States, si Mitzi rin ang nagbalita sa kalagayan ng anak nila noong nasa ospital ito.

Naawa siya sa bata dahil sa murang edad ay may deperensya na ito sa puso, hindi lang 'yon, matalag rin itong hindi nakapag salita. Gusto niya mang alagaan ang anak ngunit muli, sa tingin niya ay hindi siya papayagan ni Marcuz, dahil alam niyang sisisihin lamang siya ng dating kasintahan, alam din niyang may kasalanan siya sa nangyari sa anak. Ngunit, masaya ito dahil napag alaman niyang makakabigkas na ng mga salita ang anak, at dahil dito nagpapasalamat siya kay Arcie dahil ito ang tumayong ina noong siya ay wala, ngunit hindi 'yon ibig sabihin na lalayo ulit siya at hayaan na lang sila.

Nilisan ni Chessa ang lugar na iyon at umuwi sa kanilang mansyon.

"Ma'am Chessa pinatawag nap o kayo ng daddy n'yo sa dining," tawag ng kanilang mayorduma na si Manang Kikay mula sa labas ng kanyang silid. "Sige po manang, susunod na po ako," tugon nito.

Mabilis na bumaba ang dalaga upang puntahan ang mga magulang na naghihintay sa hapag.

"Saan ka galing kanina!?" pagtaas sa boses ng ama.

"Claudio! Mamaya na 'yan lets eat first!" saway ng asawa nitong si Donya Crisilda. Nakayuko lang si Chessa habang kasalukuyang pinagsilbihan ng katulong.

"Kinukonsinte mo na naman 'yang anak mo!" anas ng matandang Don.

Natigil ang Donya sa kanya ginawang pag slice sa steak na nasa ibabaw ng plato.

"That's not what I meant, ang sa akin lang is nasa harap tayo ng pagkain, puwede ba kunting respeto naman!" madiing turan ng Donya.

Napailing na lang si Don Claudio at tinapunan ng isang matalim na tingin ang anak.

"Masaya na s'ya! Kaya huwag mo ng guluhin pa! Kung hindi ka lang sa—" naputol ang nais sabihin ng Don nang barahin siya ni Donya Crisilda.

"Claudio! Stop it!" galit na tiningnan nito ang asawa.

Bigla namang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Chessa at walang pasintabing iniwan ang mga magulang sa hapag at pumanhik sa kanya silid.

Doon ibinuhos ni Chessa ang mga luhang kanina pa pinigilan, galit pa rin sa kanya ang Daddy nito buhat no'ng ginawa niyang pag-iwan kay Marcuz sa mismong kasal sana nila, hindi matanggap ng ama nito ang kahihiyang dinulot ni Chessa.

Napatakip ng unan ang dalaga habang patuloy sa pag-iyak.

Successful nga ang kanyangcareer bilang isang sikat na modelo sa States, ngunit ngayon napag tanto niyanghindi pala ito ang makapag papasaya sa kanya, kung 'di ang naiwan nitong pag-ibig,at ngayon bumalik siya upang kunin muli kung ano ang sana'y sa kanya na nasakamay na ngayon ni ARCIE CLAIRE MENDEZ.

🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
*********************************

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon