Naabutan ng Donya ang anak sa silid nito na patuloy na umiiyak. Naawa ang ina sa anak lalong-lalo na at galit pa rin ang asawa nito sa kanya. Inaamin ng Donya na mali ang ginawa ng anak noon, ngunit pilit niya itong inintindi dahil kung siya ay magagalit din sa anak, paniguradong wala na itong masasandalan, lalong-lalo na ngayon sa pagbalik niya dito sa Pinas, pagkat gusto ng anak na buuhing muli ang bubuuhin sanang pamilya noon at bukod pa do'n may ibinunyag ang anak sa kanya na siyang nakalulungkot, patungkol ito sa kanyang karamdaman. May iniindang sakit ang anak, may Leukemia ito at hindi nila alam kung kelan babawian ng buhay si Chessa.
"Anak," pagkuha ng Donya sa atensyon ng dalaga habang papalapit ito sa kanyang kama. "Mommy...." agad niyang niyakap ang ina habang humagolgol sa pag-iyak.
"Ssshh, tahana maiintindihan ka rin ng Daddy mo," pag-amo ng ina habang hinagud ang likod ng anak. "I-I don't know mom," saad nito habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa pisngi.
"Sabihin na natin sa Daddy mo ang isa pang dahilan kung bakit ka bumalik," suhestyon ng ina. Kumalma sa pag-iyak ang dalaga at humarap sa ina.
"Mom, natatakot ako, baka mas lalong magalit si Daddy," pangamba ng dalaga.
"Hindi siya magagalit anak, sa halip sa paraang ito ay makuha mo na ulit ang loob niya," sambit ng ina. Napayakap na lang ulit si Chessa sa ina. Labis itong nag papasalamat sa ina pagkat narito ito upang alalayan siya.
Kinabukasan inaya ni Arcie si Marcuz magpunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila. Kahit maraming nag hihintay na trabaho sa opisina ay sumama pa rin si Marcuz sa kasintahan.
"Are you excited?" Nakangiting bulalas ni Marcuz habang tiningnan ang kasintahan sa peripheral-vision nito habang siya ay nag mamaneho ng sasakyan.
Lumingon si Arcie sa kasintahan galing sa pag sa-sightseeing sa kanilang mga nadadaanan na magandang tanawin.
"Super duper excited," masayang tugon nito at ginawaran ng halik ang katipan sa pisngi. "Hmmm, I already have the place na rin para sa honeymoon natin," masayang balita ni Marcuz.
Natuwa naman si Arcie. "Oh! Talaga?, Saan naman?" may pagkasabik na tanong nito.
"Uhhm... secret muna," natawang turan ni Marcuz. Napa ismid na lang si Arcie. "Tsk! Ano ba 'yan!" may tampong bigkas nito, ngunit sa loob niya ay naroon ang sobrang kilig.
"Basta sa isang magandang lugar dito sa mundo that makes me sure na magugustuhan mo," pahayag ni Marcuz na may ngiti sa labi. Napangiti na lang muli si Arcie dahil sa sinabi ni Marcuz, ayaw n'ya na itong kulitin para na rin mas may excitement para doon.
"I love you so much Mahal," sambit ni Arcie at kinuha ang isang kamay ni Marcuz. Napa ngiti si Marcuz at tinugon ang kasintahan. "I love you more Mahal," anito at hinalikan ang kamay ni Arcie na humawak sa kanya.
Pagdating nila sa simbahan namangha sila sa laki nito. Isa ito sa mga lumang simbahan sa kapanahunan pa ng mga espanyol.
"Wow! Ang laki at ang ganda!" puri ni Arcie nang makababa sila sa sasakyan. "Mabuti naman at narito na kayo."
Napalingon ang dalawa sa kung sino ang nagsalita.
"Ate Lour kanina pa ba kayo?" sambit ni Arcie at nilapitan si Lour na kanilang Wedding Planner.
"Well uhhm kunti. Tiningnan ko kasi ang loob para sa gagawin kong design," aniya at tinapunan ng tingin si Marcuz na nakatingin rin sa kanya.
"Siya ba ang mapapangasawa mo Ars?" amused na tanong ni Lour. Bigla namang napahagod si Arcie sa noo.
"Ay oo nga pala ate Lour. This is Marcuz, my fiancé," pakilala nito.
"Mahal. Si Ate Lour 'yung sinabi ko sayong ka-kaklase ko noon," masayang pakilala ni Arcie.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...