🌹Chapter 3🌹

1.2K 36 0
                                    

"How are you?" nakangiting tanong ni Chessa. "I asked you! Who let you in?" madiing ulit ni Marcuz.

Nagkibit-balikat ang dalaga. "Wala, hindi ko kasi nakita ang secretary mo kaya pumasok na lang ako," anito at umupo sa harap ni Marcuz.

Pinagmasadan ni Marcuz ang bawat galaw ng bisita kasama ang kunot sa noo nito. "Why you're here? Anong kailangan mo? Hindi ko alam na may appointment ako sa'yo," bulalas ni Marcuz.

"Hmmm well, tumawag kasi ang secretarya mo, sinabi mo raw kasing ako ang personal na mag bigay sa'yo nito kaya naparito na ako. So here, please accept this," saad ni Chessa at inabot kay Marcuz ang bulaklak.

kinabig ni Marcuz ang kamay ni Chessa. "Ohh grabe... ang mean mo naman...," may pagtatampong wika ni Chessa.

Kunot noong tinitigan ni Marcuz ang babaing kaharap. "All this time, ikaw ang nagpapadala ng bulaklak para sa'kin!?" may diing bigkas ni Marcuz.

"Yes," tanging saad nito kasama ang isang ngiti. "And why? No reason to do so."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Chessa.

"Because I love you!" aniya at hinawakan ang isang kamay ni Marcuz na nakapatong sa kanyang working table. Tinitigan lamang siya ni Marcuz na nabigla sa sinabi ng dating kasintahan, at mayamaya pa'y nakita ni Marcuz ang mga nag babadyang luha ng babae.

"Look Marcuz, b-bumalik ako para makasama ka ulit, para maging ina ulit kay Martin, inaamin ko nagkamali ako sa pag-iwan sa'yo noon pero pinagsisihan ko na 'yon, I'm here to win you back," pahayag nito habang dahan-dahang pumatak ang mga luha sa mga mata.

Agad na binawi ni Marcuz ang kamay mula sa babae. "Narinig mo ba ang mga sinasabi mo!?" puna ni Marcuz.

"I know, mahal mo pa rin ako 'diba? Marcuz let us bring back the past between us, masaya naman tayo noon 'diba?, kaya bakit hindi natin balikan ang mga 'yon?" bulalas ni Chessa.

Bahagyang natawa si Marcuz. "Nahihibang ka na nga talaga, after what you did may lakas loob kapang sabihin 'yan!? Hindi ka ba nahiya sa sarili mo!?" sambit ni Marcuz.

"B-Babe plea—" naputol ang nais sabihin ni Chessa nang barahin siya ni Marcuz. "Stop calling me that! Wala na tayo, kaya puwede ba umalis kana!" aniya at iginiya ang isang kamay sa pintuan ng opisina.

"A-Ayaw mo na ba talagang makipagbalikan sa'kin?" an'ya na may luha sa mga mata. "Of course! Ayaw ko ng bumalik sa nakaraan kasama mo, I already moved on!" madiin nitong saad.

Bumuntong hininga si Chessa sa narinig.

"I'm sorry nakalimutan ko, may bago ka na pala. Ito na lang ang hihilingin ko, let me see our Son," wika ng babae na mas nagpapataas ng dugo ni Marcuz.

"Sorry, come again?" may inis na bigkas ni Marcuz. "Gusto kong makita ang anak natin! I want him to know that I am his Mother!" anunsyo ni Chessa.

Nakipagtitigan si Marcuz kay Chessa, Titig na puno ng galit. "Do you think I will let you do that?" may diing turan ni Marcuz. "I'ts a big No! I can't let you! Wala kang karapatan sa kanya, you abandoned him, still remember!?" Sumbat ni Marcuz.

"I didn't abandoned him!" sigaw ni Chessa.

"And what do you think sa ginawa mong pang iwan?" puna ni Marcuz na siyang nagpatihimik kay Chessa.

Dumestansya ng kaunti si Marcuz sa dalaga. Tumalikod ito at humarap sa glass wall ng kanyang opisina at nakatanaw sa malayo.

"Leave! Leave!, bago pa ako tumawag ng security para kaladkarin ka palabas gusto mo ba 'yon?, na makita ka ng maraming tao na kinaladkad palabas?, gusto mo bang masira ang imahe mo?" banta ni Marcuz.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon