🌹Chapter 11🌹

879 17 1
                                    

Nakaupo si Chessa sa isang mahabang upuan na gawa sa bakal habang hinihintay ang kanyang sadya.

Maingay ang paligid dahil sa merong nag-iiyakan. Iyak ng pananabik sa pamilya. Anyway, andito lang naman siya ngayon sa kulungan kung saan naka kulong si Carmela.

Gusto niyang makita sa personal si Carmela, dahil ni minsan kasi kahit pareho sila ng career hindi niya ito nakita, tanging sa picture lamang nito sa kanyang mga photoshots siya nakilala ni Chessa.

Sa iilang minutong paghihintay ni Chessa dumating din ang kanina pa niya hinihintay. Nakita niya ang pag pasok ng isang babae at isang guwardya.

Tila hindi siya makapaniwala sa nakita. Halos hindi na makilala si Carmela sa sobrang kapayatan nito.

Itinuro ng guwardya ang kinaroroonan ni Chessa kay Carmela, at dito nag-abot ang kanilang mga tingin.

Tinitigan siya ni Carmela na tila inusisa ang kanyang pagkatao.

Tumayo si Chessa nang makitang papalapit na si Carmela sa kanya. Patuloy ang pag titig ng dalawa hanggang sa makarating ito sa tapat niya.

"Upo ka," alok ni Chessa kasama ang piking ngiti.

"Sino ka?" tanong ni Carmela habang dahan-dahang umupo sa harap ni Chessa ngunit hindi sumagot ang dalaga.

"Anyway, may dala akong pagkain ito o kumain ka," alok nito at iginiya ang mga pagkaing nakasupot sa harap ni Carmela.

"Sino ka?" Ulit na tanong ni Carmela nang walang ka emo-emosyon ang mukha.

Tumawa ng pagak si Chessa. "Hindi na kailangan we're not friends. Anyway gusto lang kitang makita sa personal," saad nito kasama ang isang sarkastikong ngiti.

"C'mon kumain ka alam ko gutom ka don't worry wala 'yang lason," pagpatuloy nito.

Kumunot ang noo ni Carmela sa pagiging arogante ni Chessa kaya wala na siyang balak na kausapin pa ito.

Agad na tumayo si Carmela ngunit sa kanyang pag tayo agad siyang hinablot ni Chessa pabalik.

"Hindi pa ako tapos b*tch!. Ikaw na 'tong binibigyan ng pagkain tatanggihan mo pa!" bulyaw ni Chessa.

Nanlisik ang mga mata ni Carmela sa galit dahil sa ginawa ni Chessa kaya naman mabilis niyang hinablot ang buhok nito at iningud-ngud sa dalang pagkain.

"Kainin mo kung gusto mo! Ikaw ang b*tch p*nyeta ka!" angil nito habang patuloy na iningud-ngud si Chessa sa dalang pagkain.

Pilit na kinuha ni Chessa ang kamay ni Carmela na mahigpit ang pagkasabunot sa kanyang buhok.

"Bitawan mo ako baliw!" sigaw nito. Nakatingin lamang ang mga tao sa loob ng visiting room at walang ni isa ang gustong tumulong.

Hindi nakinig si Carmela at patuloy pa rin niyang iningud-ngud ang mukha ni Chessa hanggang sa magkalat ang pagkain sa ibabaw ng mesa pati sa mukha ni Chessa.

Gustong lumaban si Chessa ngunit masyadong malakas si Carmela kaya hindi niya iyon nagawa.

Tila sanay na sanay na si Carmela na makipag rambolan.

"Guard... Guard!" Ang tanging naibulalas niya ng pasigaw upang makahingi ng tulong.

Agad na pumasok ang isang guwardya sa loob at inawat sila.

"Baliw! Baliw 'yan! Dapat sa mental hospital ipinsok 'yan!" sigaw ni Chessa habang inayos ang sarili.

Tiningnan lamang siya ni Carmela ng isang matalim na tingin habang pilit na hinila ng guwardya papalabas sa visiting room.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon