🌹Chapter 34🌹

777 21 1
                                    

Muling inisip ni Rabby ang naganap kagabi, hindi siya maaring magkamali, si Arcie ang kanyang nakita.

Hindi lang niya na komperma dahil nang lumabas siya mabilis naman itong umalis, sinubukan pa niyang habulin ngunit hindi na niya naabotan at mabilis itong nakasuot sa dilim.

"Kailangan kitang makita Arcie, hindi ako maaaring magkamali, buhay ka!" bulong niya sa sarili.

Samantala, may natanggap na balita sina Marcuz at Cedi tungkol sa mukha ng lalaki na nakunan sa footage ng cctv, nakilala na ito at kasalukuyan sila ngayong nasa opisina ng NBI.

"Basi sa research team, siya si Rabby Delgado, nakatira sa Sampalok Maynila," sabi ng taga NBI at inabot ang isang folder na pinaglagyan ng profile ni Rabby.

"So ano na? bakit hindi ninyo pa siya hinuli?" Pagtatakang tanong ni Cedi kasabay ang bahagyang pag-angat ng balikat.

"Pasensya na sir, wala na tayong huhulihin," sagot nito at inabot ang isa pang folder kay Cedi.

"Basi sa huling report na nakuha namin, patay na ang lalaking 'yan, siya ang sakay ng isang sasakyang sumabog kamakailan lang," kuwento nito.

Napabagsak ng balikat kasabay ang pagbuntong hininga si Cedi sa narinig, habang si Marcuz naman ay tinitigan ng mabuti ang litrato ni Rabby na naka printa.

"H-Hindi siya patay," bigkas nito.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Pare ano'ng pinagsasabi mo?" pagtatakang tanong ni Cedi.

Humarap si Marcuz sa kaibigan.

"Pare, hindi ako maaring magkamali, buhay ang lalaking ito, naalala mo ba no'ng nakaraang may lumapit sa'kin sa labas ng building ng kompanya, ito! Siya 'yun, kaya pala familliar ang mukha niya sa'kin dahil nakita ko na ang mukha niya sa unang litratong ipinakita sa'tin ng NBI noon," mahabang salaysay ni Marcuz.

Tiningnan ni Cedi ang grupo ng mga taga NBI sa kanilang harapan.

"Sir, alamin ninyo kung totoong buhay pa ang lalaki ito," utos ni Cedi.

"Gagawin namin sir, dahil posible ang sinasabi ng kaibigan n'yo pagkat walang bangkay na nakita o inilibig matapos ang pagsabog," sagot ng isa sa mga ito at hinarap si Marcuz.

"Sir, sa susunod na lapitan ka ng lalaking ito, paki inform kaagad kami," dagdag pa nito.

Tumango naman si Marcuz. "Makakaasa po kayo."

Umalis sina Cedi at Marcuz bitbit ang pag-asang ma-iresolba kaagad ang kaso.

Samantala sa bahay nina Marcuz.

Habang abala sa kusina sina Yaya Martha at Chessa, narinig nila ang pagtunog ng doorbell mula sa labas ng bahay.

"May bisita ba tayo ngayon yaya?" tanong ni Chessa sa matanda habang hiniwa nito ang mga rekados para sa lulutuin.

Umiling naman si Yaya Martha.

"Wala naman, siguro delivery lang o kaya mailman," panghuhula nito at patuloy sa ginagaw.

Tumunog muli ang doorbell. "Ako na yaya," pagpresenta ni Chessa nang tumayo na sana ang matanda upang tingnan ang tao sa labas.

Napahinto si Yaya Martha at napatingin sa babae.

"Opo, ituloy n'yo na lang po iyang ginawa ninyo," may ngiting bigkas nito, ewan at maykung anong hangin ang bumulong kay Chessa na tumayo at tingnan kung sino ang nag doorbell.

"Talaga?" tanong ng matanda pagkat nanibago rin siya dahil ni minsan hindi pa ito tumayo at kusang tingnan kung may ganitong may bisitang darating.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon