🌹Chapter 5🌹

1.1K 26 0
                                    


Dahan-dahang pumasok si Arcie sa opisina ni Marcuz, gusto kasi niya itong gulatin at surpresahin sa dalang pasalubong.

Hindi nagkamali si Arcie sa hinala, busy ang kasintahan sa trabaho, nakayuko lamang ito at tutuk sa mga paperworks. Dahan-dahang lumapit si Arcie sa working table ni Marcuz habang nanatiling wala malay ang katipan.

"Hi!" bati ni Arcie.

Nagulat si Marcuz at agad na napa angat ang tingin.

"Hey! Nagulat ako," anito habang tumayo at agad na hinalikan ang kasintahan. Bumalik din agad ito sa pagkakaupo pagkatapos.

"Ang busy mo this past few days ano," ani Arcie at umupo sa bakanting upuan sa harap ng working table ni Marcuz.

"Yeah medyo," sagot nito at napatingin sa hawak na supot ni Arcie.

"What's that?" tanong nito. Nagbigay ng kakaibang ngiti si Arcie na nag bigay curiosity kay Marcuz.

"Ang paborito mo," aniya habang itinaas ang hawak na supot. "Favorite?" pag klaro ni Marcuz.

"Hmm... yes gusto mo ba?" mapang-akit na wika ni Arcie. Nanibago si Marcuz sa awra ni Arcie, tila nang-aakit ito sa kanya kaya sinabayan na nito ang trip ng kasintahan.

"Yes gusting-gusto ko," saad nito na may pakagat sa lower lip na sinabayan pa ng pag kindat. Natawa naman si Arcie.

"Talaga? kahit hindi mo alam?" patuloy si Arcie sa mapang-akit na boses.

"Ano ba kasi 'yan?" tanong ni Marcuz at akmang kunin kay Arcie ang dalang supot ngunit bigla itong na hablot ni Arcie palayo sa kasintahan. Tiningnan ni Marcuz si Arcie, nakita nito ang mga ngiting mapang akit kaya naman tumayo na si Marcuz sa pagkakaupo at lumipat sa kinaroroonan ng kasintahan.

Nakasandal ang pwetang bahagi ni Marcuz sa kanyang Working table habang si Arcie ay nakangisi paring naka upo sa kanyang harapan habang mahigpit na hinawakan ang supot na gustong kunin ni Marcuz.

Nilapit ni Marcuz ang mukha sa mukha ng kasintahan na halos isang dangkal lamang ang pagitan.

"Give me that please," paki usap ni Marcuz habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Naamoy ni Arcie ang hiningang pinakawalan ni Marcuz, hiningang nag uudyok sa kanya upang sakupin ang mga labi ng katipan.

Isang mapusok na halikan ang kumunsumo sa iilang segudong dumaan sa pagitan nilang dalawa. Nang maghiwalay na ang kanilang mga labi inabot na ni Arcie ang dalang supot sa kasintahan. Umayos si Marcuz sa pag tayo at nagsimulang tingnan ang nasa loob ng supot.

"What the!" tanging nasambit ni Marcuz. Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito nang makita ang kung ano ang nasa loob ng supot. Isang MAMON. Dahan-dahan nitong binaling ang tingin sa kasintahan.

"Your favourite," anang dalaga sa mapang akit na boses kasabay ang isang ngiting nag papa akit kay Marcuz.

Nagsimulang gumalaw ang bagay sa pagitan ng hita ni Marcuz nang maisip ang Mamon. Hindi ang mamon na dala ni Arcie kung 'di ang mamon mismo ng kasintahan. Huminga ng malalim si Marcuz at humarap sa dalaga, tinanggal niya ang suot na salamin at ipinatong sa kanyang working table, nakatitig ito sa kasintahan kasama ang mga ngiting mapang akit.

Kinabahan si Arcie mukhang nadala si Marcuz sa ginawa niyang pang-aakit, ngunit handa siya sa ano man ang gagawin ni Marcuz. Nakita niya ang biglaang pag-alis ni Marcuz sa kanyang harapan nagtataka ito kung saan pupunta ang kasintahan. Sinundan niya ng tingin si Marcuz at nakita niyang nagpunta ito sa pinto ng kanyang opisina, akala ni Arcie na lalabas ito ngunit lumingon ito sa kanya kasama pa rin ang mga ngiting mapang akit, tiningnan niya kung ano ang ginawa ni Marcuz. Pinakita sa kanya ng kasintahan kung paano niya nilock ang pinto, dahil do'n napagtanto ni Arcie kung ano ang gustong gawin ni Marcuz.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon