"S-She's dead," mangiyak-ngiyak na balita ng Ginang.
Mabilis na naibaba ni Ethel ang telepono, at halos hindi siya makapagsalita, nanigas ang buo niyang katawan dahil sa narinig, at hindi niya namalayan na bigla na lamang tumulo ang mga luha niya sa mga mata, habang dahan-dahan na umupo sa sofa.
Si Yaya Martha nama'y labis ang kaba dahil sa naging reaksyon ni Ethel matapos marinig ang kausap sa telepono.
"H-Hija, a-anong n-nangyari?" nauutal nitong tanong kasama ang bilis ng kabog sa kanyang dibdib habang dahan-dahan ring umupo katabi nito.
Kinakabahan ang matanda sa puweding itugon ni Ethel.
Mabilis na niyakap ni Ethel si Yaya Martha kasama ang paghagulgol nito.
"Y-Yaya... S-Si Arcie-" Hindi maituloy-tuloy na pagbigkas ni Ethel dahil inunahan siya sa pagpatak ng mga luha.
Napahawak si Yaya Martha sa kanyang dibdib at mayamaya ay naramdaman niya ang pagbabadya ng mga luha sa kanyang mga mata, pagkat tila hindi maganda ang iku-kuwento sa kanya ni Ethel.
Ngunit, nais pa rin niya itong malaman.
"A-Ano'ng nangyari kay Arcie?" tanong nito habang hinagod ang likod ni Ethel, at pilit na umasta ng normal.
Patuloy ang paghagulgol ni Ethel at hindi sinagot ang kabadong si Yaya Martha.
Dito mas lalong kinabahan ang matanda. "Hija... a-ano'ng nangyari sa kanya?" ulit na tanong nito.
Mas hinigpitan lalo ni Ethel ang yakap kay Yaya Martha.
"W-Wala na siya y-yaya, p-patay na si Arcie...," hayag ni Ethel at hindi matigil-tigil ang pagtangis.
Hindi na napigilan ni Yaya Martha ang sarili, doon na bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala sa narinig.
Kahit nagtatampo siya kay Arcie dahil sa ginawa nito sa kanyang amo, nangingibabaw pa rin ang awa nito sa kanya.
Habang nakayakap kay Ethel si Yaya Martha, lumuluha itong nakatingin kay Marcuz, at iniisip niya kung papano na lang ang lalaki, siguradong malulungkot ito pagkagising kung malaman ang nangyari kay Arcie.
Ilang minuto pa bago nakabawi si Ethel sa nabalitaan, hanggang sa nakapag pasya itong puntahan ang ina at kapatid ni Arcie.
"P-Pupuntahan ko na muna ang ina at kapatid ni Arcie yaya," may lungkot na pagpaalam ni Ethel sa matanda.
Bahagyang tumango si Yaya Martha at hinayud naman nito ang kaliwang braso ni Ethel.
"Nais ko mang sumama hija ngunit kailangan din ako rito ni Sir Marcuz," litanya nito at muli na namang napaluha.
Hindi rin napigilan ni Ethel ang sarili at muli rin itong napaluha, ngunit pilit niya itong tinigil at huminga ng malalim.
"A-Ayos lang po yaya, ako na lang po ang pupunta," bigkas ni Ethel at mabilis na tumayo.
Tumango muli ang matanda.
Tumayo si Ethel dala ang lungkot dahil sa nangyari kay Arcie. At habang nasa daan siya, tinawagan naman niya ang asawa at ibinalita ang nangyari kay Arcie.
Gaya ng reaksyon nila ni Yaya Martha, gano'n din si Cedi. Halos hindi rin makapaniwala ang lalaki sa nabalitaan.
Ramdam naman ni Cedi ang labis na lungkot ng asawa kaya pinayuhan niya itong ikalma ang sarili.
Nang makarating si Ethel sa punerarya, mabilis siyang sinalubong ng ina ni Arcie na labis ang pagtangis, muli nanamang dumaloy ang mga luha ni Ethel lalo na nang sinamahan siya ng ina ni Arcie sa morgue ng funeral homes at nang makita niya ang katawan ng kaibigan na nakalatay sa ihawan at tinakpan ng puting tela.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...