Dalawang araw na lang at kasal na ni Marcuz, abala ang lahat sa paghahanda, at patuloy pa rin ang imbistigasyon sa nangyaring panghaharang sa ina nito, kaya nakapagpasya ang mga ito na ipagpaliban na muna ang pagpunta sa lugar nina Yaya Martha at papalipasin na lang muna ang kasal ng anak.
Samantala... Habang nasa loob ng silid si Chessa kasama ang ina, masayang napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa papalapit na kasal.
"Are you ready for your big day?" may ngiting mungkahi ni Donya Crisilda habang isinuot sa Leeg ng anak ang isang mamahaling kuwentas at tiningnan ang reflection ni Chessa sa salamin.
Nakangiting hinaplos ng dalaga ang kuwentas sa leeg matapos maisuot ng ina sa kanya.
"Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon Mommy at sa wakas, sa susunod na araw ay magiging asawa ko na si Marcuz, mabubuo na ang pamilya namin!" may tuwang litanya nito.
Mula sa likod ay niyakap ni Donya Crisilda ang anak.
"I'm so happy for you anak," may ngiting bigkas nito.
Sa kabilang dako, sa veranda habang nakaupo si Arcie sa upuang seminto, malungkot na iniisip nito ang paparating na kasal nina Marcuz at Chessa. Ngunit, naniniwala pa rin ito sa sinabi ni Don Claudio.
"Si Marcuz mismo ang aatras sa kasal nila, maniwala ka."
Napabuntong-hininga na lamang si Arcie nang maisip muli ang sinabi ni Don Claudio. Hindi niya alam kung bakit sobrang kampante niya sa mga sinasabi at bilin ng matandang Don, e kung tutuusin ay ang mag-ina niya ang kanyang binaliktad, sa isip ni Arcie.
"Alam ko ang iniisip mo," pagbulabog ni Yaya sa katahimikan ng paligid ni Arcie.
Napalingon ang dalaga sa gawi ni Yaya Martha, nakangiti ang matanda habang pinagmasdan siya.
Napapuot na lamang si Arcie sa kanyang labi at muling binalik ang tingin sa malayo.
Humakbang si Yaya Martha palapit kay Arcie at tumabi sa kanya habang dahan-dahan na hinagud ang likod nito.
"Magtiwala ka kay Don Claudio, may plano siya para sa'yo," may ngiting bigkas nito.
Muling Napabuntong-hininga si Arcie at tumayo mula sa pagkauupo.
"Hindi ko nga alam yaya, wala kasing sinabi si Don Claudio tungkol sa kanyang plano," mahinang sambit ni Arcie habang nakaekis ang mga braso sa dibdib.
"Sa dami ba namang naitulong niya sa'yo ngayon ka pa hindi magtitiwala sa kanya? Hija... hinding-hindi hindi ka hahayaan ni Don Claudio na masaktan," bulalas ng matanda.
"Ewan ko nga yaya e, bakit mas dinipensan niya pa ako kesa sa anak at asawa niya," sambit ni Arcie nang hindi nakaharap sa matanda.
Napangiti si Yaya Martha pagkat alam niya ang totoong dahil ni Don Claudio.
"Sinabi na niya sa'tin na hindi niya gusto ang ginawa ng kanyang mag-ina diba? At gusto na niyang matigil ito," tanging saad ng matanda.
Kunot noo na humarap si Arcie. "In what way? Papano niya pipigilan ang dalawa, ano ipapakulong n'ya?" panghuhula ni Arcie.
Nagkibit balikat ang matanda. "Siguro...." tanging bigkas nito.
Sa pangatlong pagkakataon napabuntong hininga si Arcie.
Samantala, nakahanap na sina Marcuz ng bagong kasambahay at darating na ito bukas bago ang kanilang kasal, umikot si Marcuz sa likod ng kanilang bahay upang tingnan kung may bakante pang area upang pagawaan ng bodega para sa mga gamit ni Yaya Martha, kailangan na niya itong ilipat nang may matuloy na ang kanilang bagong kasamabahay.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...