Isang buwan makalipas ay tuluyan nang naghilom ang sugat ni Rabby, nanatili siya sa bahay na nirentahan ni Angel para sa kanya at patuloy pa rin siyang sinusuportahan nito sa lahat ng mga pangangailangan niya sa pang-araw-araw.
Ngayon, handa na siyang balikan ang responsable sa lahat ng nangyari sa kanya.
Samantala dahan-dahan nang nanumbalik ang dating lakas ni Marcuz, unti-unti na siyang nakapag-adjust sa mga tao sa kanyang paligid, at ang tanging hiling na lamang niya sa sarili ngayon ay muling maalala ang lahat-lahat.
Nakalabas na rin ito sa ospital at kasalukuyan na siya ngayong namalagi sa kanyang bahay habang inalagaan ni Yaya Martha, marami itong mga katanongan tungkol sa mga nangyari, sinagot naman ni Yaya Martha ang lahat, ibinahagi rin niya ang mga naganap noon sa bahay nila liban sa isa... kay Arcie, ayaw ng ina ni Marcuz na ipaalala sa anak si Arcie, kaya bago pa ito makabalik sa bahay nila galing sa ospital, pinalinis ng Ginang ang bahay at kinuha ang mga bagay na magpapaalala kay Marcuz kay Arcie.
Malungkot man iyon para kay Yaya Martha dahil sana ay dapat ding malaman ni Marcuz ang tungkol sa kanyang kasintahan, ngunit naintindihan din niya ang ina nito, ayaw lang niyang ma stress ang anak sa kaiisip.
Madalas na rin ang pagdalaw ni Chessa at halos araw-araw na nga itong magtungo roon upang personal na alagaan ang lalaki.
Isang araw isang masayang balita ang kanyang nalaman mula sa ina ni Marcuz.
Kasalukuyan niya ngayong pinagluto ang lalaki sa kusina kasama si Yaya Martha, nang biglang pumasok ang ina ni Marcuz at sinabi sa kanya ang mga katagang nagpapalapad ng kanyang atay.
"Hija, alam kong gusto mong alagaan ang anak ko, paano kaya kung dito ka na lang lumagi? Nang may makasama naman si Yaya Martha, babalik na kasi ako sa labas ng bansa sa susunod na araw, kinailangang din ako sa business namin do'n," wika ng ginang.
Walang pagdadalawang isip na umu-o si Chessa pagkat iyon din ang kanyang ninanais.
"Sige po tita, sasamahan ko po si Yaya Martha, para maalagaan ko na rin ang anak namin," aniya kasama ang malawak na ngiti sa mga labi.
"Mabuti iyon at may bonding kayo ng anak mo," usal ng ginang.
Habang nakikinig si Yaya Martha sa usapan nila, hindi niya maiwasang magdadalawang isip na makasama si Chessa sa iisang bahay dahil alam niyang may hiden agenda ito kay Marcuz noon pa.
"'Diba may sakit ka pa? Kailangan mo rin alagaan ang sarili mo hija," singit ng matanda.
Ngumiti lang ito.
"Well... actually, Im good now yaya, wala na akong sakit," masayang tugon nito.
Napalunok ng laway ang matanda, kitang-kita niya sa mga mata ni Chessa ang sobrang pagka-excite sa sinabi ng ina ni Marcuz.
"Ah, ganu'n ba, mabuti naman," sarkastikong tugon nito at hindi tumingin sa dalaga.
"Sige na maiwan ko na muna kayo," paalam ng ginang.
Nang makaalis ang ginang ay biglang naging madal-dal si Chessa.
"Yaya, maging complete family na kami!" masayang sambit nito habang prenipara ang mga rekados sa lulutuin.
"Alam mo yaya, pinagsisihan ko talaga ang pag-iwan sa kanya noon, kaya ngayon kukunin ko ang pagkakataong ito upang muling mahalin ni Marcuz at makuha ko rin ng tuluyan ang loob ng anak namin," dagdag nito.
Nakita ni Yaya Martha ang pagiging determinado ni Chessa sa kanyang balak, ngunit may parte pa rin sa kanyang isip ang pagdadalawang isip.
"So masaya ka nang nawala si Arcie?" deretsong tanong nito na nagpatahimik kay Chessa.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
Storie d'amoreBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...