🌹Chapter 23🌹

784 18 3
                                    

Umakyat na lang si Arcie sa kanilang silid matapos mawalan ng gana, at patuloy na bumuhos ang kanyang mga luha matapos mabasa ang mensahe ni Marcuz.

"Mahal, I'm sorry hindi na ako nakapagpaalam, emergency kasi tapos nawalan pa ako ng baterya, ngayon lang ako nakapagcharge, I'm with Mr. Elmundo in Baguio, I'll be back soon I love you!" Mabigat ang loob ni Arcie. Nasaktan siya kaya hindi na niya sinagot ang mensahing iyon ni Marcuz.

Samantala, Tila na konsensya naman si Marcuz sa ginawang pagsinungaling kay Arcie, Ngunit, may parte rin sa loob niya na pagbigyan sa kanyang hiling si Chessa, hindi niya alam at parang naawa siya sa dating kasintahan nang lumuhod ito sa kanyang harapan kanina kasama ang pagbuhos ng mga luha nito, biglang parang may kung anong bagay ang humaplos sa kanyang puso para maawa sa dating kasintahan.

Ngunit papano niya mailihim kay Arcie ang pangyayaring ito, gayong kasama nila si Martin, imposibleng hindi magsumbong ang bata pag-uwi nila sa Maynila.

Hindi niya intensyon na maglihim kay Arcie, ginawa niya lamang ito para hindi masaktan ang kasintahan, at para walang bumabagabag sa isipan niya gayong papalapit na ang kanilang kasal.

Tumayo si Marcuz kasama ang kunot sa noo nito, hindi siya mapakali sa kung ano ang kanyang gagawin, hanggang sa naisipan niyang lumabas ng silid upang magpahangin at para makapag-isip ng mabuti kung tama ba ang kaniyang naging pasya.

Nang makababa na si Marcuz, bigla na lamang siyang dinala ng kanyang mga paa sa kusina, at pagbungad niya roon, napansin niya ang ginawang pag-alaga ni Chessa sa anak nila, ilang minuto niyang pinagmasdan ang dalawa, hanggang sa mapansin siya ni Chessa.

Sumilay ang malawak nitong ngiti paharap kay Marcuz.

"Why don't you join with us here?" alok nito.

Napansin na rin siya ni Martin at laking gulat ng bata nang makita ang ama kaya agad itong bumaba sa upuan at mabilis na tumakbo papunta sa ama.

"Daddyyyy...!" Sigaw nito.

Agad naman siyang sinalubong ni Marcuz at niyakap.

"Where is Mommy Arcie?" nagagalak na tanong ng bata.

Kinarga niya ito at kinausap, habang hinagud-hagod ang buhok ng anak.

"Hindi siya sumama anak eh, dahil walang kasama si Yaya Martha sa bahay," pagsisinungaling nito tapos ay hinalikan ang bata sa pisngi.

Tila naman na dismaya ang bata sa narinig at hindi ito sumagot.

"C'mon, hali na kayo at lalamig na ang pagkain," tawag sa kanila ni Chessa kasama ang malawak nitong ngiti.

Humakbang si Marcuz at muling pinaupo ang anak sa upuan.

"Hindi ako kakain, si Martin na lang ang asikasohin mo, dapat kasi kanina pa kumain ang bata, dahil may gamot siyang iniinum, anong oras na oh!" paanas nito.

Yumuko lang si Chessa at hindi na sumagot dahil nahihiya siya sa anak na nakikinig.

"Alam mo! Trying hard ang pagiging ina mo!" Pang-iinsulto ni Marcuz bago humakbang palayo.

Labis namang nasaktan si Chessa sa narinig, pinamukha ni Marcuz sa harap ng anak nila ang pagiging iresponsable niya, ramdam niya ang pagbabadya ng kanyang mga luha, ngunit pilit pa rin siyang ngumiti upang hindi siya mahalata ni Martin na kasalukuyang tinitigan siya.

"N-Naku, pasensya ka na sa anak ha, hayaan mo bukas p-papatutunugin ko na ang alarm clock para m-maremind ako sa mga gamot mo," bulalas niya at minsang pang pumiyok dahil sa pigil na pag-iyak.

Umikot siya sa likuran ng anak at nilagyan ng pagkain plato nito.

"Ayan! Kain na," may ngiting bigkas nito.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon