🌹Chapter 46🌹

1K 19 0
                                    

After 5 years...






"We will be meeting the member of the board this afternoon, be ready," paalala ni Don Claudio sa anak.

"Yes Pa!" kompyansang turan ni Arcie.

Matagal na niyang pinaghandaan ang araw na ito, ang araw na ipakilala siya ng ama sa lahat bilang kapalit niyang mamahala sa kompanya.

"I'm happy for you," masayang litanya ng Don.

Agad na niyakap ni Arcie ang ama.

"Thank you so much Papa, and I promise na hindi kayo magsisisi," anang dalaga habang patuloy na niyakap ang ama.

Pagkatapos ng ilang segundong dramahan ay nagtawanan na lang sila.

"Of course, I know you can dot it," pagsuporta ng ama.

"Maiwan na kita, may kameeting pa ako," paalam ng ama.

Nagbiso ang anak at hinatid ng tingin ang ama palabas ng kanyang opisina.

Nang makalabas ito napabuntong hininga naman si Arcie at nagbitaw ng isang malawak na ngiti sabay ikot ng kanyang swevil chair paharap sa bildong pader kung saan tanaw niya ang mga katabing naglalakihang building.

Hindi niya alam at bakit tila sobra ang excitement ang meron siya sa gagawing meeting mamaya, iniisip na lamang niya na marahil dahil sa sobrang kompyansa ang meron siya kaya iyon ang kanyang nararamdaman.

Sa gitna ng kanyang malawak na mga ngiti ang siyang biglang pagtunog ng telepono sa ibabaw ng kanyang working table.

Agad naman niya itong sinagot.

"Hello!"

"Ma'am Arcie, may delivery for you!" wika ng kanyang sekretarya, siya pala ang tumawag.

"Alright, ipasok mo dito," utos nito at agad na binaba ang telepono.

Mayamaya ay pumasok nga ang kanyang sekretarya dala ang malawak na ngiti, napansin naman ni Arcie ang bitbit nitong boquet ng bulaklak.

Nag-abot ang mga kilay ni Arcie.

"P-Para sa'kin?" tanong nito.

"Exactly!" saad ng kanyang sekretarya na tila kinikilig.

"Para kang tanga!" sarkastikong pagtapon ni Arcie ng salita sa babaing kaharap.

"Wala... Kinikilig lang ako!" bigkas nito at patuloy ang mga ngiti.

"Ewan ko sa'yo! Lumabas ka na nga at gawin mo na ang mga pinapagawa ko," may ngiting pagtaboy ni Arcie dito habang siya ay nasimula na ring kiligin.

Patalikod na humakbang ang kanyang sekretarya habang patuloy siyang tinukso sa mga mata.

Napa tsk! na lang si Arcie nang tuluyang makalabas ang kanyang sekretarya.

"Parang baliw!" bulalas nito kasama ang bahagyang pagngiti.

Tiningnan niya ang mga bulaklak, wala siyang idea sa nagpadala ngunit gayon na lang ang labis na kilig na kanyang nararamdaman.

Hindi rin naman kasi bago sa kanya ito, pagkat halos araw-araw namang may nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak sa 'di niya alam kung kanino galing.

Sa gitna ng matatamis niyang mga ngiti, may bigla siyang naalala. Si Chessa.

Tumayo si Arcie at lumabas ng kanyang opisina, nais niya itong bisitahin.

"I'll be back, mabilis lang ako," paalam niya sa kanyang sekretarya.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon