Kasalukuyang nasa dinner si Chessa kasama ang mga magulang.
Humanap lamang ng tiyempo ang dalaga upang makapag paalam sa mga magulang sa gagawing paglipat ng bahay.
"Kumusta ang mga gamot mo anak? Iniinom mo ba sa tamang oras?" tanong ng ina habang nakatuon ang atensyon sa pagkain.
Inangat ni Chessa ang tingin mula sa pagkain at tiningnan ang ina. "Yes Mom. Sinunod ko po," nakangiting turan nito. Inangat din ng ina nito ang tingin patungo sa kanya.
"Mabuti naman kung ganon," patango-tango ang ina upang ipahiwatig ang pag sang-ayon. "Kailan ka ba ulit bibista doon sa kaibigan mong Doctor?" dagdag ng Donya at binalik ang atensyon sa pagkain.
"Next week Mom pupunta ako sa kanya," saad nito at muli ring binalik ang atensyon sa pagkain.
"May gusto kabang gawin anak para hindi ka mabagot dito sa bahay?" singit ng ama.
Nahinto si Chessa sa pagkain at napatingin sa gawi ng ama. Lihim siyang napangiti dahil ito na ang tamang pagkakataon para pakapag paalam siya sa mga magulang.
Pinahid nito ang mga labi gamit ang table napkin na nasa gilid ng kanyang plato.
"Anyway, Mom Dad may gusto lang sana akong hilingin sa inyong dalawa," panimula nito.
"Go ahead anak ano 'yon?" tanong ng ina habang patuloy na kumakain.
Humugot ng lakas ng loob si Chessa upang makapagsalita. "Go ahead anak what is it?" salaysay ng ama pagkatapos tumunga ng juice.
Inayos ni Chessa ang pagkaupo at deretsahang tumingin sa dalawa.
"Nais ko po sanang lilipat sa ibang bahay," anunsyo nito na nagpabigla at nagpatigil sa mga magulang sa pagkain.
"A-Ano 'yon anak? Aalis ka sa bahay natin, saan ka pupunta?" pagtatakang tanong ng ina habang pinahid ang bibig.
"Yes mom," pagklaro nito sa sinabi.
"B-But why? Alam mo namang may sakit ka diba? Anak naman," pag-alalang wika ng ina. Hindi pa nakasagot si Chessa sumabat naman ang ama nito.
"Ano ba ang gusto mong mangyari anak? Bakit ka aalis ng bahay?" tanong ng Don. Tumingin si Chessa sa ama.
"Dad gusto ko lang ng bagong lugar. Gusto ko ng bagong ambiance. I consulted Angel about this and sabi niya it could help me na gumaling sa sakit ko," giit ni Chessa.
Nagkatitigan ang mag-asawa na tila nag-uusap ang mga mata tungkol sa pasya ng anak.
Mayamaya ay unang nagsalita ang ina nito. "Saan ka naman lilipat?" anito.
Inabot ni Chessa ang kamay ng ina kasama ang pagpuot ng kanyang nguso.
"Dito lang sa Maynila Mom you can still visit me pa rin naman," turan ng dalaga kasama ang paawa effect niya.
Nakita ni Chessa na napasinghap ang ina at tila nag dadalawang isip pa rin sa kanyang hiling. Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ng ina upang ipahiwatig na buo na ang kanya pasya.
"Mom. Please pumayag na po kayo," aniya at binaling ang tingin sa ama.
"Dad please, isama ko naman ang ibang katulong para may makasama ako," pangungumbinsi nito sa mga magulang.
Nagkatitigang muli ang mag asawa hanggang sa nagsalita ang ama nito.
"Puwede ba naming makita ang lilipatan mo?" tanong nito.
Natigilan si Chessa papano niya ito sasabihin alam niyang alam ng Daddy nito ang lugar na iyon at kung sino ang nakatira doon.
"Oo nga naman anak dapat siguro makita muna namin ang bahay na'yan para malaman namin kung safe ba para sa'yo. Saan ba banda 'yan dito sa Maynila?" singit ng ina.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
Lãng mạnBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...