🌹Chapter 47🌹

1.3K 21 1
                                    

Sa pagbungad ni Marcuz sa pinto ng boardroom, ay dumertso naman kaagad ang kanyang tingin kay Arcie na kanina pa niya nais makita.

Matagal na niyang kasabwat si Don Claudio sa araw na ito, ang sorpresahin si Arcie sa kanilang pagbabalik.

Samatala, bahagyang natawa si Marcuz sa nakitang reaksyon ng dalaga, tila natigil ang mundo nito sa hindi inaasahang pagbabalik ni Marcuz na matagal na niyang inaasam, hindi napigilan ni Arcie ang mapatitig dito habang dahan-dahan na tinangal ni Marcuz ang suot na sunglasses na bagay na bagay sa suot niyang puting long sleeve na naka tuck sa simi-fit nitong maong na pantalon, na hinigpitan ng kulay brown na sinturon at pinaibabaan ng kaparehong kulay ng Leather shoes.

Napalunok siya ng laway nang magtama ang kanilang mga tingin sa isa't-isa.

Sa ilang segundong pagtitigan ay tila isang taon na para sa kanila dahil sa pananabik, nagbalik lamang ang kanilang huwistyo nang magsalita si Don Claudio.

"I thought you were not able to come," wika ni Don Claudio.

"I'm sorry Tito, I went through heavy traffic," paliwanag naman ni Marcuz at humakbang palapit kay Arcie.

Nanigas ang buong katawan ng dalaga at hindi niya alam kung papano mag react kinabahan siya, hanggang sa nakalapit sa kanyang tabi si Marcuz.

"I think this seat is reserve for me," maangas na bigkas ni Marcuz at agad na umupo nang tila walang nakita.

Nakaramdam ng inis si Arcie sa inasta ni Marcuz. Tila ba inaasar siya nito.

"Okay, gentlemen this meeting is adjourned, you can leave now," sabi ni Don Claudio na siyang ginawa naman kaagad ng lahat.

Nagtataka naman si Arcie kung bakit pinaalis nang ama ang board gayong kararating lang ni Marcuz.

Napaisip tuloy si Arcie kung ano ang papel ni Marcuz sa meeting na ito.

Nang tuluyang makalabas ang lahat, biglang tumayo si Arcie at nagpaalam sa ama.

"Pa, mauna na rin ako, marami pa akong importanting gagawin," anito at niligpit ang dalang mga papel.

"Bakit hindi ba ako importante!?" singit ng lalaki sa kanyang tabi.

Natigil si Arcie sa kanyang ginawa, at biglang nakaramdam ng karupokan, habang si Don Claudio naman at sobrang tuwa sa nasaksihan, Lalong-lalo na sa ginawang pang-aasar ni Marcuz sa anak kung saan kitang-kita nito ang tila pagkainis ni Arcie.

"Yeah, I-I think you both need to talk, ako na ang lalabas," ang tanging nasambit ni Don Claudio at mabilis na lumabas ng boardroom at iniwan ang dalawa para bigyan ng pagkakataon na magkausap.

Nang makalabas si Don Claudio pasimpli itong ngumiti pagkat alam niyang magiging masaya muli ang kanyang anak.

Samantala namayani ang ilang segundong katahimikan sa loob ng boardroom.

"Wala bang kahit hi man lang d'yan?" pagbasag ni Marcuz sa nakabibinging katahimikan habang naka sandal ang ulo sa headboard ng upuan at naka tingala sa kisame.

Natawa ng pagak si Arcie.

"Wow! So kailangan pa talagang ako ang unang mag—," hindi naituloy ni Arcie ang sasabihin nang biglang tumayo si Marcuz at agad na sinilyuhan ang kayang mga labi sa mga labi nito.

"I miss you mahal! Huwag ka nang magalit biro lang 'yun," sambit ni Marcuz habang hinawakan ng dalawang kamay ang mga pisngi ng dalaga.

Tila natunaw ang puso ni Arcie sa katagang binitawan ni Marcuz at kusa na lamang tumulo ang mga luha nito sa mga mata, at nagulat na lamang siya nang nakayakap na siya sa binata. Ngunit, hindi na niya iyon binawi pagkat binalot na rin siya sa mga braso ng lalaki.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon