🌹Chapter 44🌹

1K 21 3
                                    

Kanina pa kinakabahan si Chessa, pagkat magdadalawang oras nang late si Marcuz sa kanilang kasal.

Pigil na pigil siya sa kanyang sarili na umiyak, ayaw niyang ipakita sa mga bisita na kinabahan siya at natatakot na hindi sisiputin ni Marcuz.

Nanatili lamang siya mula sa loob ng kotse, at sinabihan siya ng ina na hindi muna siya bumaba hanga't hindi pa darating ang mapapangasawa.

"M-Mom, k-kinakabahan ako," nauutal na wika nito habang hawak ng dalawang kamay ang dibdib.

Nanggigigil na humarap si Donya Crisilda sa anak.

"Hindi puweding hindi siya darating! Darating s'ya!" angil nito.

Hindi na napigilan ni Chessa ang mga nagbabadyang luha at kusa na ang mga itong kumawala mula sa dalawa niyang mata.

"Stop that! Huwag kang umiyak! Ano ka ba!" naiinis na pagsaway ng ina.

"I tried to call him, pero out of reach ang kanyang telepono," bulalas ng dalaga.

Napailing at napabuntong hininga si Donya Crisilda pagkatapos ay mabilis na bumaba sa kotse.

"Mom! Where are you going!?" habol na tawag ng anak.

Hindi siya pinakinggan ni Donya Crisilda, at tuluyan na itong humakabang papalayo sa kotse.

Sinundan na lamang ni Chessa ito ng tingin habang papunta sa ina ni Marcuz.

Kinabahan ang dalaga at baka kung sumbatan ng ina nito ang ina ni Marcuz, pagkat alam niya ang ugali ng sariling ina.

Samantala... Nagmamasid lamang si Don Claudio sa mga nangyayari sa paligid.

Tinawagan niya si Yaya Martha upang tanungin ang status ni Marcuz, ngunit sabi nito ay umalis na ang lalaki.

Napabuntong hininga si Don Claudio at inisip kung tutupad kaya si Marcuz sa kanilang napag-usapan.

Ilang minuto pa ang nakalilipas nang biglang dumating ang kotse ni Marcuz.

Napawi ang kaba ng lahat habang si Chessa ay walang pagsisidlan ng tuwang nararamdaman, napapahid siya ng luha at tiningnan si Marcuz na lumapit sa kanyang ina na kasalukuyang kausab ang ina ni Marcuz.

Samantala, habang papalapit si Marcuz mabilis namang pumasok sa simbahan si Donya Crisilda upang ipaalam na simulan na ang kasal, bigla ring napawi ang inis nito nang makita si Marcuz.

Nang makalapit si Marcuz sa kanyang ina, agad niyang hinawakan ang kamay nito.

"Mom, Si Martin?" tanong nito habang Palinga-linga sa paligid.

"Nasa kina Cedi," turan ng ina. "And where have you been!? Galit na ang ina ni Chessa! At anong nangyari sa'yo!?" gulat na tanong ng ina ni Marcuz nang makita ang kaunting sugat nito sa noo.

"I'm fine mom, I need to end this," saad nitong nagpapakunot sa noo ng ina.

"What!? Hindi kita naiintindihan!" bulalas ng ginang.

Hindi sumagot si Marcuz bagkos inaya na lang nito ang ina na sumunod na sa kanya.

Nagsimula ang seremonya ng kasal kasalukuyan nang naghintay si Marcuz sa mapapangasawa.

Puno ng kaba ang nasa kanyang dibdib at iniisip ang mga susunod na mangyayari.

"Marcuz! What happened!? Are you alright!?" hindi pa rin mapakaling tanong ng ina nito na nasa kanyang tabi.

Lumunok lamang ng laway si Marcuz at hindi sumagot. Hindi na lang nangulit pa ang ina nito, ngunit may kutob na ito.

Panalangin na lamang ng ina nito na mali ang nasa kangang isipan, ngunit kung tama man, ay respetohin na lamang niya ng desisyon ng anak.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon