Hindi agad nakapagsalita ang lahat, hindi nila alam kung ano ang puweding isagot kay Marcuz.
"T-Tatawagin ko muna ang Doctor!" May pagkatarantang bigkas ni Ethel at patakbong lumabas sa silid na iyon.
Sa kanyang pagbalik ay kasama na niya ang Doctor ni Marcuz at ang isang Nurse.
"D-Doc, bakit hindi kami nakilala ng kaibigan ko? N-Nagka amnesia ba siya?" Agad na tanong ni Cedi.
Sinuri ng doctor ang kalagayan ni Marcuz.
"It's possible for him to have amnestic syndrome, dahil nga sa nangyaring pagkabagok ng kanyang ulo, but good thing is gising na siya, ang sa atin lang ngayon is to help him para maalala ang sarili at lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay n'ya," pahayag ng Doctor at muling binaling ang atensyon kay Marcuz.
"Hi Marcuz! I'm Doctor Andrew Rivero, at sila ang mga kaibigan mo, maaring hindi mo sila nakilala sa ngayon dahil sa nangyari sa'yo, pero tutulungan ka nilang maalala ang sarili mo at matandaan ang mga pangyayari sa buhay mo," bulalas ng Doctor.
Nakatitig lamang si Marcuz sa kanya habang bakas pa rin sa mukha ang pagiging inosente at tila nanibago sa nakikita sa paligid.
Hindi muna siya kinausap ng mga kaibigan at pinatulog na lang muna.
Mayamaya nga ay nakatulog si Marcuz.
Tinawagan kaagad ni Cedi ang ina ni Marcuz upang ipaalam ang magandang balita, ngunit hindi muna niya ipinaalam ang pagkalimot ni Marcuz.
Mabilis na nakarating ang tatlo, ang ina ni Marcuz, si Martin at si Yaya Martha, sa hallway pa lang ng ospital ay sinalubong na sila ng mag-asawang Cedi at Ethel.
"Oh God thank you! Hali kayo samahan n'yo kami sa kanya!" natutuwang litanya ng Ginang.
"Wait Tita... Uhm...." Hindi kaagad madugtungan ni Cedi ang sasabihin dahil hindi niya alam kung papano simulang sabihin ang natuklasan nila sa kalagayan ni Marcuz, alam niyang madismaya ang ginang sa balitang ito.
"What? Hijo may problema ba? 'di ba sabi mo gising na ang anak ko?" sunod-sunod na tanong ng ginang.
Napatango si Cedi.
"Then, what are we waiting for? Hali na kayo samahan n'yo na ako," anito.
"Martin come, pupuntahan na natin ang daddy mo," sabi niya sa apo at kinuha ang kaliwang kamay at aakma na sanang humakbang, ngunit bigla silang pinigilan ni Cedi.
"A-Ah... T-Tita kasi...."
"What Cedi!? Sabihin mo!" napataas ng kaunti ang boses ng Ginang.
Napalunok ng laway si Cedi, habang si Ethel naman na nasa likod ng ginang ay sininyasan ang asawa na sabihin na ang nais ibalita sa ina ni Marcuz.
Wala nang nagawa si Cedi, pasaan pa't malalaman din ito ng ginang.
"T-Tita ano kasi... K-Kanina nang magising siya, hindi niya kami makilala at ang sabi ng Doctor maaring nagka amnestic syndrome ito, o pansamantalang pagkawala ng mga alala dahil sa nangyari sa kanya," bunyag ni Cedi.
Hindi nakasagot ang Ginang, tila umatras ang kanyang dila hanggang sa mayamaya ay bigla na lang bumuhos ang mga luha nito sa mga mata.
Agad napansin ni Ethel ang lungkot ng ginang.
"P-Pero huwag po kayong mag-alala Tita, babalik din ang memorya ni Marcuz, basta ang importante ngayon ay gising na siya," sabat nito upang mapagaan ang loob ng ginang, tapos ay niyakap niya agad ito.
Si Yaya Martha naman ay napayakap sa alaga matapos marinig ang ibinalita ni Cedi.
Matapos ang usapang iyon ay agad silang nagtungo sa silid kung saan naroon si Marcuz.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...