Awang-awa si Arcie si sinapit ni Yaya Martha mula kay Chessa, kasalukuyan niya ito ngayong pinagmasdan habang tulog, ito ang kanyang pangatlong araw mula sa nangyari sa kanya at hindi pa rin siya nagising.
Gigil na gigil si Arcie kay Chessa nais na niya itong sabunutan at pagsasampalin sa kawalangyaan nito, nang biglang may bumukas ng pinto.
Napalingon si Arcie sa kung sino ang bumungad sa pinto.
"Kumusta siya?" Tanong ni Don Claudio.
Binalik ni Arcie ang kanyang tinging sa matanda.
"Tulog pa rin," tanging saad nito.
"Babalik dito mamaya ang Doctor upang tingnan ulit ang kalagayan n'ya," bulalas ng Don at dahan-dahan na lumapit sa kanila.
Napabuntong-hininga si Arcie. "Naawa ako kay Yaya Martha, wala siyang kinalaman pero nadamay siya sa nangyayari," mahing bigkas nito.
"I know, kaya nga nang malaman ko ang ginawa ni Chessa ay agad ko siyang pinarescue," usal ng Don.
Flashback...
Habang paakyat si Don Claudio sa kanilang silid ni Donya Crisilda, bigla niyang narinig ang pagtaas ng boses ng kangang asawa, tila may pinapagalitan ito sa loob kaya dahan-dahan niya itong sinilip.
Nakita niya ang asawa na hawak-hawak ang kanyang telepono habang nakaupo sa kanilang kama.
"My God! Dapat despatsahin na ang matandang iyan, dahil baka siya lang ang sisira sa mga plano natin!" Usal ng kanyang asawa.
Biglang kinabahan ang Don, kinutuban siya na may hindi magandang nangyayari.
Patuloy niyang pinakinggan ang asawa.
"Sige na! Pupunta ako d'yan, sa ngayon ang gawin mo ay itago mo muna ang katawan ng matanda at linisin ang kalat baka maabutan ka ni Marcuz," anito.
Namilog ang mga mata ni Don Claudio, tama nga ang kanyang hinala, may ginawang hindi maganda ang kanyang mag-ina kaya naman mabilis siyang bumaba at tinawagan ang isa sa mga tauhan.
"Mag handa ka, may pupuntahan tayo," sabi nito.
"Masusunod boss," sagot naman ng kanyang tauhan mula sa kabilang linya.
Nagpunta sa kusina ang Don upang uminom ng tubig, nang mahimasmasan sa bigat ng nasa loob.
Matapos makainom ng tubig nagbitaw naman siya ng isang malalim na buntong hininga.
"Kailangan na kayong sugpuin!" anito sa isip.
Sa kanyang pagbalik sa livingroom ay siya namang pagbaba ng Donya.
"Oh! Tila nagmamadali ka? Saan ang punta mo at gabi na?" painosenting tanong ni Don Claudio.
Huminto ang donya at nakahawak sa barandilya ng kanilang hagdan.
"Aalis ako, pupunta ako sa anak natin," saad nito at tinuloy ang paghakbang.
"Bakit?" habol na tanong nito.
Huminto ang Donya at tumingin sa asawa kasama ang pagtawa ng pagak.
"At kailan ka pa nagka interest Claudio?" sarkastikong sambit nito.
Umiling si Don Claudio.
"Natural, anak ko siya at asawa kita, may karapatan akong magtanong!" madiin na turan nito.
"Talaga!?" Nagbitaw ng sarkastikong ngiti ang Donya.
"Sana naman maramdaman namin 'yan, iyang pagiging padre de pamilya mo Claudio!" paanas ng Donya.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomansaBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...