🌹Chapter 2🌹

1.3K 32 1
                                    

"Mahal. Come on lets have our dinner hinintay kita," masayang salubong ni Arcie sa kararating na kasintahan at binigyan ng smack kiss sa labi. Kinuha nito ang dalang bag at ipinatong sa sofa.

"Si Martin?" hanap nito sa anak.

"Pinatulog na ni Yaya Martha sa taas. C'mon tayo na sa kitchen." Hinawakan ni Arcie ang isang kamay ni Marcuz, kaya magkasama silang pumuntang kusina at kumain.

Napansin ni Arcie ang medyo katahimikan ni Marcuz.

"May problema ba?" sambit nito. Napaangat ang tingin ni Marcuz kay Arcie. Ngunit, isang ngiti lang ang sumilay sa mukha ng lalaki.

"Wala naman, bakit?" anito. "Para ka kasing may malalim na iniisip," pahayag nito.

"Huwag mo na lang akong intindihin, pagod lang ako sa opisina, sige na kumain ka pa," ani Marcuz at nilagyan ng pagkain ang plato ni Arcie.

"Mahal naman gusto mo ba akong tumaba?" reklamo ni Arcie. Natawa naman si Marcuz nang makitang naparami nito ang pag lagay ng kanin sa plato ng katipan.

"It's okay, e burn natin 'yan mamaya," may kahulugang wika nito at binigyan ng kindat ang kaharap. Inismiran lang ito ni Arcie nang makuha ang gustong ipahiwatig ni Marcuz.

Kasalukuyang nasa terrace ng silid nila si Marcuz habang inaatupag ang trabahong hindi natapos sa opisina.

"She's Back!"

Bumalik sa isipan ni Marcuz ang binalita ni Cedi kaya hindi nito mapigilang mapahinto sa trabaho at napaisip. Tumayo si Marcuz at humarap sa kawalan, tanging ang malamig na simoy ng hangin lamang ang bumabalot sa paligid at kaunting liwanag galing sa poste ng kuryente sa kanilang subdivision.

"For what? Bakit s'ya bumalik? Para saan?" mga tanong ni Marcuz sa isip.

Kinastigo nito ang sarili kung bakit iniisip niya ang dating kasintahan, na gi-guilty tuloy siya kay Arcie, kaya naman hininto niya ang ginawa at pumasok na sa loob ng kanilang silid at tumabi sa kasintahan.

Hindi kaagad nakatulog si Marcuz, bahagya nitong tiningnan ang natutulog na katipan, hinawakan nito ang mukha at hinaplos ang mga buhok, nakita nito ang napaka among mukha na kailan ma'y napaka suwerte niya at siya ang nakakuha sa puso nito, bahagya niyang inangat ang ulo ni Arcie at pinaunan sa kanyang braso tapos ay hinalikan sa noo.

Kinabukasan Maagang pumasok si Marcuz sa opisina upang ituloy ang mga naiwang trabaho. Mag-aalas onse y medya na ng umaga nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina, hindi naman tumawag si Mitzi upang ipaalam na may bisita siya.

"Come on in," an'ya habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa.

"Sir may nag papabigay," bulalas ng boses. Inangat ni Marcuz ang tingin, si Mitzi pala ang secretary niya.

Nakita ni Marcuz ang mga bulaklak sa kamay ni Mitzi, kapareho ito sa mga nakaraang pina deliver sa kanya.

"Itapon mo 'yan!" may inis na utos ni Marcuz.

"Ilang besis ko na bang sabihin sa'yo! Huwag kang tumanggap ng mga ganyan!" dagdag ni Marcuz at tuluyang nainis.

"Ahh sir kilala n'yo ho daw kasi s'ya eh," paliwanag ni Mitzi.

Kunot noo ang sumilay sa mukha ni Marcuz.

"Kilala? Hindi ko siya kilala hanggat hindi siya mag pakilala! Sabihin mo sa nagpapadala niyan na siya ang maghatid sa akin para makilala ko s'ya!" galit na wika ni Marcuz.

Lumabas si Mitzi bitbit ang mga bulaklak. Dahil sa nangyari ay nasira ang mood ni Marcuz.

Habang sa labas ng opisina ni Marcuz, umupo si Mitzi sa kanyang working table at kinuha ang cellphone at may tinawagan.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon