🌹Chapter 28🌹

868 20 6
                                    

Habang tinitingnan ni Marcuz si Arcie na lumuha at huminto sa paghakbang, ang kaninang pananabik at saya ay napalitan ng kaba at takot sa susunod na gagawin ng kasintahan.

Nais man niyang tawagin ito sa pangalan at tanongin kung ano ang nangyari, ngunit tila naging tuod siya at nanigas kaya hindi mabuka ang kanyang bibig, hanggang sa bigla na lamang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, kinakabahan siya at baka maulit ang nakaraan sa kanya.

Ngunit, tila iyon ang mangyayari nang binitawan ni Arcie ang hawak-hawak nitong bouquet dahilan at bumagsak ito sa puting tila na inapakan nito.

Sinundan iyon ng tingin ni Marcuz at kitang-kita niya kung paano gumulong-gulong ang bulaklak, hindi pa rin siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla, dahan-dahan niyang muli na  ibinalik ang tingin sa patuloy na lumuhang kasintahan, hindi niya maintindihan ang nararamdaman, lalo na nang dahan-dahan na humakbang si Arcie patalikod at alam na ni Marcuz ang ibig sabihin nito.

Ang iwan siya.

Lalong tumulo ang mga luha ni Marcuz at hindi pa rin nakapagsalita, tulala sa nangyari.

Habang si Arcie naman ay kitang-kita ang napakaawang mukha ni Marcuz na tila nagmamakaawa sa kanya na huwag gawin ang iwan siya.

"Patawad. Paalam. Mahal ko." ang tanging ibinigkas ng kanyang isipan at tuluyang tumalikod sa simbahan at agad na tumakbo palabas.

Tulala ang lahat at hindi makapaniwala, biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo sa paningin ni Marcuz habang pinapanood ang pag-alis ng kasintahan, tila sinakloban muli ng langit at lupa ang kanyang katawan sa sobrang sakit.

Ngunit, sa patuloy na pagtakbo palabas ni Arcie sa simbahan ay sinalubong siya ng limang lalaki na nakabonet, pinagtutulungan kargahin at ipinasok sa isang Van at mabilis na nilisan ang lugar.

Nagkagulo na ang lahat, kinidnap si Arcie ng mga hindi nakilalang kalalakihan.

Dahil sa nangyari, bigla namang nagbalik ang huwistyo ni Marcuz, at nataranta ito sa kung ano ang kanyang gagawin, Kitang-kita sa dalawang niyang mata kung paano pinilit ng mga kalalakihan na ipasok si Arcie sa Van.

Umiral ang kanyang pagmamahal para sa kasintahan kaya tumakba palabas ng simbahan upang habulin si Arcie.

"Anak where are you going!" tawag sa kanya ng ina, ngunit hindi nakinig si Marcuz, mabilis siyang pumasok sa kanyang kotse at binuhay ang makina tapos ay pinaharorot upang sundan ang mga kumidnap sa kasintahan.

Samantala, hindi makapaniwala si Rabby at Chessa sa nangyari, hindi sila ay may pakana niyon dahil iba ang kanilang plano.

"Ano'ng nangyayari?" naguguluhang tanong ni Chessa kay Rabby.

Hindi umimik si Rabby dahil natulala rin ito, kahit nasa labas lamang sila ng simbahan para mag masid, kitang-kita nila ang pangyayari sa loob at pati ang pagdukot kay Arcie.

"Hindi ko alam, wala akong ideya," pailing-iling na saad nito.

Hindi naman naintindihan ni Chessa ang nangyari, kung maging masaya ba siya dahil hindi natuloy ang kasal o maawa dahil kinidnap si Arcie at hindi alam kung ano ang puweding mangyari sa kanya.

"Bakit mo ako tinitigan ng ganyan!?" taas kilay na tanong ni Rabby.

"Talaga bang wala kang alam?" may kahulugan na tanong nito.

Nainis si Chessa sa kanyang narinig, kaya bigla siyang nakatanggap ng malakas na sampal mula rito.

"Sa tingin mo! Uutusan pa kita kung may inutusan na ako na iba? Mag-isip ka nga!" bulyaw sa kanya nito.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon