🌹Chapter 45🌹

1K 15 0
                                    

Flashback...

"Gusto kang kausapin ni Don Claudio," bungad ni Cedi nang makapasok sa loob ng opisina ni Marcuz, at dahan-dahan na lumapit sa kanyang working table.

Nang makarating si Cedi sa harapan ng kaibigan, inilapag nito ang iilan sa mga paper works na kailangang permahan ni Marcuz.

"Nasaan s'ya?" mabilis na tugon ng binata na tila nataranta nang marinig ang pangalan ni Don Claudio.

Natawa ng bahagya si Cedi.

"Relax lang pare, huwag kang kabahan," natawang litanya ni Cedi.

Kumunot naman ang noo ni Marcuz.

"Hindi naman, nasaan ba s'ya?" sambit ng lalaki.

Umiling lang si Cedi. "Nasa kanyang opisina, sa akin siya tumawag dahil alam niyang hindi mo pa natandaan ang building ng kanyang kompanya dahil nga hindi mo pa naalala, kaya sinabi niyang samahan kita," pahayag nito.

"Pero mamaya na, permahan mo muna ang mga 'yan, that's urgent," dagdag ng kaibigan kasama ang mga ngiti sa labi habang tinulak palapit sa lalaki ang mga palit.

Pailing na kinuha ni Marcuz ang mga papel at isa-isa na penermahan ang mga ito.

Pagkatapos ay agad na inabot sa kaibigan.

"Thanks!" tanging usal ni Cedi at sininyasan ang kaibigan.

"Let's go!" anito at iginiya ang kamay palabas.

Napanganga si Marcuz. "N-Ngayon na ba?" pagtatakang bigkas nito.

"Of course! Hindi puweding ipagbukas, future father-in-law mo 'to," pang-aalaska ni Cedi at nagsimulang humakbang.

Mabilis ang naging kilos ni Marcuz at sumunod agad sa kaibigan.

Nang makalabas ang dalawa sa opisina, iniwan ni Cedi ang mga papel sa sekretarya ni Marcuz at binigyan lamang niya ito ng instruction kung ano ang gagawin, pagkatapos ay tuluyan ng umalis.

"I'll drive you there, then babalikan na lang kita after," wika ni Cedi habang pababa sa basement ang elevetor na kanilang pinatungan.

"No! I will use my car, susunod lang ako sa'yo nang malaman ko ang daan at para ako na ang bahalang bumalik dito," pagtanggi ni Marcuz.

"Great idea, hindi ko naisip 'yan," bulalas ni Cedi kasabay ang pagbukas ng pinto sa elevetor.

Naunang nagmaneho si Cedi sa kanyang sasakyan habang nakasunod naman si Marcuz.

Mabilis ang kanilang biyahe pagkat wala silang nakasalamuhang mabibigat na trapik.

Nakarating agad sila sa isang malaking building kung saan nasa loob ang opisina ni Don Claudio.

Nang isa-isa na nilang maipark ang mga kotse, mabilis din itong sumakay sa elevetor at nag tungo sa palapag kung saan ang opisina ng matanda.

Nang makarating, itinuro lamang ni Cedi ang pinto ng opisina na kanyang puntahan bago siya nagpaalam.

"I'll go ahead, alam mo na ang daan pabalik sa opisina natin," wika nito.

Tumango lang si Marcuz.

"Future biyenan," pang-aalaska pa nito habang tinuro ang opisina ni Don Claudio gamit ang kanyang nguso.

Bahagyan na lamang natawa si Marcuz, ngunit, lingid sa kanyang kaalaman, labag ito sa kalooban ni Cedi, pagkat alam niya na kung naalala lamang ng kaibigan ang lahat, siya mismo ay hindi ito gagawin.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon