Matapos ang pagbalik-tanaw ni Arcie sa nangyari sa kanya, tumayo ito mula sa kinauupuan at kinuha sa bulsa ng jacket ang cellphone na binigay sa kanya ni Don Claudio.
Kasabay ng pagbuga ng malalim na buntong hininga ang pagdial nito sa numero ng telepono ni Marcuz, hindi niya ito nakalimutan, kabisadong-kabisado pa niya ito.
Bumilis ang kaba sa kanyang dibdib nang magring ang kabilang linya. Hindi siya mapakali at Paikot-ikot na naglalakad sa Veranda.
Nahinto lamang siya nang sagotin ni Marcuz ang tawag.
Pigil na pigil naman si Arcie sa kanyang emosyon, mas lalo siyang nananabik sa lalaki nang marinig ang boses nito.
"Hello! Magsalita ka," sabi ni Marcuz mula sa kabilang linya.
Napahawak si Arcie sa kanyang dibdib nais na niyang kausapin ang kasintahan ngunit wala pa sila sa tamang panahon.
Nagbabadya na ang kanyang mga luha sa mga mata.
"Daddy, lets eat." Narinig ni Arcie ang boses ni Martin mula sa kabilang linya.
Tuluyang nasasabik si Arcie sa mag-ama kaya agad na tumulo ang kanyang mga luha at mabilis na ibinaba ang tawag.
Humahagulgol na naman si Arcie sa sobrang pananabik sa kasintahan at bata.
Lalo siyang napaiyak nang maisip din nito ang pamilyang nagluluksa pa rin sa kanyang pagkawala.
"I'll be back, magkikita tayong muli," bulong ni Arcie sa hangin.
Natigil si Arcie nang biglang tumunog ang kanyang telepono, si Don Claudio ang tumawag.
"Manood ka nang balita!" mabilisang utos ng matanda sa kanya.
Mabilis namang pumasok si Arcie sa loob ng bahay at binuksan ang TV. Kitang-kita niya sa balita ang mga labi ni Rabby.
Ayon sa balita, natagpuan ang kanyang katawan sa gilid lamang ng kalsada na wala nang buhay.
Nanlumo si Arcie sa nabalitaan at muli na namang tumulo ang kanyang mga luha.
"I'm sorry, nahuli na tayo," sabi ng matandang Don mula sa kabilang linya.
"W-Wala akong ibang hinala sa may kagagawan nito kung 'di ang mag-ina mo!" angil ni Arcie, nangigigil ito sa galit.
"Gusto ko nang tapusin 'to, gusto ko nang bumalik sa mga mahal ko sa buhay!" patuloy nito habang patuloy din sa pagpatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Alam ko ang nararamdaman mo, hayaan mo, malapit nang bumalik ang lahat sa dati," pangako ng matanda.
Sa kabilang dako, mabilis na tinawagan ni Cedi ang kaibigan.
"Pare, nanonood ka ba ng balita?" sambit ni Cedi mula sa kabilang linya, hindi siya mapakali at hindi makapaniwala.
"Oo, it's him," tanging saad ni Marcuz habang tutok sa balita, habang si Chessa nama'y pasimpling nakangiti ngunit lingid sa kanyang kaalaman, kanina pa siya pinagmasdan ni Yaya Martha.
"Hayop! Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ng lalaki!" gigil na bigkas nito sa isip habang matalim na tinitigan si Chessa.
"Kailangan kong kumilos sa mas lalong madaling panahon," dagdag ni Yaya Martha sa hangin.
Matapos ang balitang iyon, laglag balikat si Marcuz na umupo sa sofa.
"What's wrong?" painosenting tanong ni Chessa at tumabi sa lalaki.
Bumuntong hininga si Marcuz.
"Wala na ang tanging pag-asa namin na matuklasan ang lahat ng mga nangyayari," sagot ni Marcuz at inilipat ng channel ang telebisyon.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...