🌹Chapter 39🌹

837 24 4
                                    

6days earlier...


"Magpapalitan tayo ng cellphone number para magkausap tayo anytime kung may mga hindi ka aya-ayang mangyayari, huwag kang mag-alala tutulong ako sa pagmanman," bulalas ni Ethel.

Tila nabawasan ang bigat sa dibdib ng matanda nang maykasangga at kasama na ito sa kanyang pagtuklas sa katutuhanan.

"T-Teka, e-eto, nakita ko 'to sa loob ng silid ni Chessa," sabi ng matanda at inilabas sa bulsa ang bote ng gamot at ipinakita kay Ethel.

"Tila gamot, pero hindi ko alam, walang label eh," patuloy ng matanda at inabot ito kay Ethel.

Sinuri naman ni Ethel at nagtataka rin ito.

"Kailangan nating malaman kung ano 'to, pahingi ako ng maliit na supot yaya, kukunan ko ng sample para mapasuri ko sa doctor," suhestyon ni Ethel.

Mabilis ang naging kilos ni Yaya Martha, naghanap kaagad siya ng supot, at nang may makita, agad siyang bumalik sa kinaroroonan ni Ethel.

"Heto, puwede na to!" aniya at agad na inabot sa babae ang nakuhang supot.

Agad din namang kumuha ng tatlong tablet si Ethel mula sa loob ng bote at ipinasok sa supot tapos ay agad na tinago.

Bumuntong hininga ito. "Hahanap ako ng doctor na puwede kong pakiusapan, tatawagan na lang kita kung ano ang resulta yaya," wika ni Ethel.

Tumango-tango lang ang matanda.

"Sana walang kinalaman 'yan sa panghihina ni Sir Marcuz ngayon," panalangin ng matanda.

"Sana nga yaya," pagsang-ayon naman ni Ethel.

Simula ng araw na iyon, napansin ni Yaya Martha ang sobrang pag-aalaga ni Chessa sa amo, hanggang sa unti-unti nang nanumbalik ang lakas nito, at hanggang sa makabalik na rin sa trabaho.

Samantala habang nasa opisina si Marcuz, patuloy naman ang pagmamanman ni Yaya Martha kay Chessa.

Mula sa ikalawang palapag ay tanaw ng matanda ang masayang mukha ni Chessa na nakaupo sa livingroom habang nasa harapan nito si Martin.

"Ano kaya ang iniisip nito!?" bulong ni Yaya Martha sa hangin.

Napaisip si Yaya Martha na talang napakaselfish ng babae, dahil imbes na alagaan nito at suyuin ang anak nang mapalapit sa kanya, hindi niya iyon ginawa, bagkos ay hinayaan na lamang ang bata.

Lingid sa kaalaman ni Chessa ay napansin din ni Yaya Martha na sa tuwing nasa bahay lang si Marcuz binigyan nito ng atensyon ang anak nila, kaya naman napailing ang matanda.

Sumapit ang hapon, napansin ni Yaya Martha na nakabihis si Chessa, kahit nakita siya nito tiningnan lamang siya at hindi pinansin hanggang sa umalis nang hindi nagpapaalam.

Nilapitan ni Yaya Martha ang naiwang si Martin.

"Walang kuwenta tagala 'yang ina mo ano! Iniwan ka lang dito at hindi pa nagpaalam!" puna nito at kinalong ang bata.

"I wan't Mommy Arcie back!" biglang pagwika ng bata.

Napabuntong-hininga naman si Yaya Martha, at tiningnan ang bata, nakita niya sa mga mata nito ang lungkot at sobrang pananabik. Ngunit, alam niyang hindi na mangyayari ang ninanais ng bata pagkat patay na si Arcie basi sa kanyang pagkakaalam.

"Don't be worry baby, Yaya Martha is here, aalagan kita like what Mommy Arcie did," usal nito at mahigpit na niyakap ang bata.

Sa gitna ng mga emosyong iyon biglang tumunog ang telepono ni Yaya Martha, agad naman niya itong hinugot mula sa bulsa ng suot na blusa.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon