🌹Chapter 14🌹

782 17 0
                                    

"WORLDS FASSIONS INC. expanding their branch in the Philippines."

Napailing si Marcuz sa kanyang nabasa sa headline ng newspaper na ka-aabot lang ni Cedi sa kanya.

"This company is our biggest competetor in clothing Industry aside sa mga emitated fassion clothes diyan sa tabi-tabi," salaysay ni Cedi matapos maupo sa upuang nasa harapan ng working table ni Marcuz.

"I know, sila ang pinaka sikat sa fassion Industry na nakabase sa US," usal ni Marcuz habang naka sandal ang likod sa sandalan ng kanyang swevil chair.

"Hindi kaba nababahala?" may kahulugang tanong ng kaibigan.

Nagbitaw ng mapaklang ngiti si Marcuz, "Of course I do, alam mo naman ang brand nila ang mas tinatangkilik ng mga artista dito sa Pinas, how much more na may branch na sila dito, hindi na kailangan ng mga artista na lumabas ng bansa para mamili sa kanila," hayag ni Marcuz.

"So anong plano mo?" tanong ulit ni Cedi.

Hindi agad nakapagsalita si Marcuz, dumaan muna ang iilang segundo bago siya nagbitaw ng mga salita.

"Hindi natin kailangan ng malaking profits, basta may maipasahod tayo sa mga empleyado natin at may maibigay tayong Devidends sa mga investors natin ayos na 'yon," anya.

Natawa si Cedi sa sinabing iyon ni Marcuz, "The thing is hindi pa natin na erisolba ang problemang kinaharap ng kompanya natin ngayon," paalala ng kaibigan. Umiling si Marcuz at hindi nakasagot.

"Siya nga pala may gustong kumausap sayo mamaya," balita ni Cedi.

Napakunot ng noo si Marcuz, "Who?" tanong nito kasama ang pagtataka.

"Baka ma surprise ka pare," tugon ni Cedi at bahagyang pinitik-pitik sa mesa ni Marcuz ang hawak niyang ballpen. 

"Sino nga?" ulit ni Marcuz. Umatras si Cedi at napabuntong-hininga.

"Si Don Claudio Dela Valle," bunyag ni Cedi. Tila natameme si Marcuz sa narinig mula sa kaibigan pagkat hindi niya iyon inaasahan.

"What for?" pagtatakang tanong ni Marcuz. Umiling si Cedi. "I don't know, sa akin siya tumawag at pinasabi sayo na gusto ka niyang maka-usap," paglalahad nito.

"Sa tingin mo ano ang sadya niya?" may kuryusidad na tanong ni Cedi.

"I don't have an idea Pare," tanging turan ni Marcuz. Patango-tango lang si Cedi.

"So... Kakausapin mo?" pagklaro nito.

Tumawa ng pagak si Marcuz. "Of course, wala naman sigurong rason para hindi siya kausapin diba?" sagot nito.

"But he's the father of your Ex," paalala ni Cedi.

Tinukod ni Marcuz ang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang working table.

"I may become unprofessional kung idadamay ko siya sa ginawa ng anak nya," saad ni Marcuz. napa ismirk naman si Cedi.

"Then okay, spare your time for him later around 11am sharp," bilin nito at mabilis na tumayo.

"I have to go pare marami pa akong gagawin sa opisina ko," paalam ng kaibigan. Tumango lang si Marcuz bilang tugon.

Naiwang napaisip si Marcuz, wala talaga siyang maisip na dahilan kung bakit gustong makipag-usap ng ama ni Chessa sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at inayos ang pagkakaupo at muling ibinalik ang atensyon sa trabaho.

Hindi na napansin ni Marcuz ang oras nang biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng kanyang working table.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon