🌹Chapter 22🌹

739 12 0
                                    

Alas otso na ng gabi, paulit-ulit na tiningnan ni Arcie ang kanyang telepono at nagbabakasakaling nagpadala ng mensahe si Marcuz sa kanya at ipinaalam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ito.

Ngunit wala, wala ni isa, napabuntong hininga na lang si Arcie dahil nagsimula nang lumamig ang pagkaing hinanda niya para dito.

"Wala pa ba hija?" tanong ni Yaya Martha na kasama niya sa kusina.

Umiling si Arcie kasama ang pagkibit nito sa balikat. "Wala pa po yaya," turan nito kasama ang kunting pagkadismaya sa mukha.

"Baka naharang sa mabigat na traffic, alam mo naman pag gan'tong oras medyo mabigat na ang traffic dahil pauwi na ang mga tao," haka-haka ni Yaya Martha na halatang pinapagaan lamang ang loob ng dalaga.

Muling bumuntong hininga si Arcie. "E sana nag message man lang siya!" pag-iimbot nito at muling tiningnan ang teleponong hawak.

"E baka naman wala na siyang baterya, lowbat ba kamo, hayaan mo na, darating din 'yun," muling pagpapagaan ni Yaya Martha sa loob ni Arcie at hinagud-hagod nito ang likod.

"Tsaka, huwag ka ngang palaging pabuntong hininga diyan, nakalimutan mo yatang nasa harapan ka ng pagkain," suway ng matanda.

Biglang tumayo si Arcie. "Pasensya na po yaya," aniya at nagsimulang humakbang paalis.

"O saan ka pupunta?" tawag ni Yaya Martha.

Napahinto si Arcie at lumingon sa matanda. "Sa sala na lang ako maghintay yaya," walang ka emosyon nitong turan.

Tumango na lang si Yaya Martha bilang pagtugon.

Sa kabilang dako'y nakahiga lamang si Marcuz sa ibabaw ng kama habang pinagmasdan ni Chessa, alam niyang magagalit si Marcuz sa kanya dahil sa pagset-up nito sa kanya, at pati ang kanyang amang Don ay ginamit pa niya.

5 days earlier...

Nang nasa mansyon pa si Chessa hindi kaagad siya nakatulog at bumalik-balik pa sa kanyang isipan ang suhestiyon ng ina nito.

"What if magbonding kayo ng anak mo, hiramin mo siya kay Marcuz at dalhin mo sa resthouse natin sa Batangas, baka doon makuha mo na ang loob ng anak mo."

Bigla siyang napabangon at lumabas ng silid, pinakiramdaman niya ang paligid, tahimik na marahil tulog na ang lahat, napatingin siya sa relo na suot, mag-aalauna na pala ng madaling araw.

Bumaba siya sa hagdan at dumeretso sa kusina upang uminom ng tubig, pagkatapos ay umupo siya sa dining area at ilang minutong tinitigan ang baso na may lamang tubig habang patuloy na pinag-iisipan ang suhestiyon ng ina.

"O anak, bakit gising ka pa?"

Napaigtad sa gulat si Chessa nang marinig ang biglang pagsalita ng ama mula sa kanyang likod, agad siyang tumayo at hinarap ito.

"W-Wala dad, nagising ako dahil sa uhaw kaya bumaba ako," pagsisinungaling nito at inangat ang hawak-hawak na baso.

"E kayo po, ba't gising pa kayo?" magalang na tanong ng dalaga. Hinatak ng Don ang upuan at umupo ito.

"Kalalabas ko lang sa aking library at nakita kitang pababa kaya sinundan kita," hayag nito.

"Upo ka, mag-usap tayo saglit," utos ng matandang Don sa kanya.

Napasinghap naman ang dalaga at sinunod ang ama.

"Pasensya ka na sa mga nasabi ko kanina, alam kong masakit 'yun para sa'yo," wika ng Don at tiningnan ang anak sa mga mata. Dahan-dahan siyang yumuko at hindi sumagot.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon