🌹Epilogue🌹

1.9K 35 9
                                    

Note: Bed scene ahead!

Two months later...

Sobrang kinabahan si Arcie, eto na naman si Marcuz sa kanyang mga pa sorpresa.

"Let's go mahal," masayang wika ni Marcuz kasama ang mapang-akit nitong kindat. Kasalukuyan niyang inayos ang kuwelyo ng kanyang polo.

Umismid si Arcie at mukhang alam na niya ang plano ng katipan.

"Wala bang trabaho sa opisina!? Tila sobrang abala mo sa linggong ito ah!" kunot noong wika nito at tumayo mula sa pagkaupo sa ibabaw ng kama.

"Wala, ayaw ko na sa opisina, gusto kasi kitang makita araw-araw," banat ni Marcuz at muling kindatan si Arcie.

"Baliw! Saan ba tayo pupunta? If you want to make love, puwede naman dito! Halika!" anas nito at sininyasan ang kasintahan na lapitan siya.

Napahalakhak naman si Marcuz.

"Grabe ka naman..., manyak na ba talaga ako sa tingin mo?" may pagtatampong bigkas nito.

"Bakit? Hindi ba!?" may ismid sa turan ni Arcie.

Muling natawa naman si Marcuz at dahan-dahan na lumapit sa dalaga.

"Medyo!" pitik nitong sagot.

Pero agad din niya binawi.

"Pero hindi 'yun..., may iba tayong pupuntahan," giit nito at akmang kunin ang kamay ni Arcie. Ngunit mabilis itong tinabig ni Arcie.

"Saan nga?" anas nito.

Huminga ng malalim si Marcuz, ramdam niyang wala sa mood ang kasintahan.

"Okay, since tila hindi maganda ang mood mo ngayon, sasabihin ko na lang. Isusurprise sana kita na bisitahin ang puntod ng Mama mo sa probinsya ngayon," bunyag ni Marcuz.

Nang marinig iyon ni Arcie, tila nabuhay ang kanyang dugo, nawala ang kanyang inis at napalitan ng tuwa.

"T-Talaga? N-Ngayon na?" may tuwang litanya nito.

"Ahuhh," patango-tangong saad ni Marcuz.

Mabilis na niyakap ni Arcie ang kasintahan.

"I'm sorry, hindi ko alam..." paghingi nito ng pasensya kasabay ang paglapat ng kanyang mga labi sa mga labi ni Marcuz.

"It's fine, so let's go?" aya ni Marcuz at iginiya ang kamay sa pinto.

"W-Wait, wala akong mga gamit na dala, ilang araw ba tayo dun?" natarantang tanong nito.

"No need to, nauna na ang mga gamit natin, nandun na rin si Yaya Martha, ang Daddy mo at si Martin," may ngiting hayag nito.

"What!?" hindi pa rin makapaniwala si Arcie.

"Kailan mo pa ito pinaghandaan?" dagdag ng dalaga.

"It's been a week," tanging saad ng binata.

Tumawa ng pagak si Arcie. "Ito pala ang pinagkaabalahan mo?" taas kilay nitong sambit.

"Exactly, at nasira lang sa pagiging moody mo," tila nagtatampong bigkas nito.

Muli na namang niyakap ni Arcie si Marcuz at muli rin siyang humingi ng paumanhin.

Wala ring nagawa ang pagtatampo ni Marcuz pagkat sa higpit pa lang ng yakap ni Arcie ay talo na siya at bigay na kaagad.

"Yari ka sa'kin mamaya," may kahulugang banta ni Marcuz.

Natawa naman si Arcie at pasimpling hinimas ang umbok sa harapan ng pantalon ni Marcuz.

Nagulat naman si Marcuz at agad na hinawi ang kamay ng dalaga.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon