🌹Chapter 10🌹

955 19 0
                                    

Napansin ni Arcie ang init sa ulo ni Marcuz nitong mga nakaraang araw. Tinanong niya ito minsan ngunit palaging ayos lang at walang problema ang sagot ng kasintahan.

Natapos na ang mga papeles na kailangan para sa kanyang bahay, na transfer narin ang perang binayad ni Atty. Sey sa kanyang account at ngayon handa na itong lipatan, sabi ni Atty. Sey isa sa mga araw na ito lilipat ang kanyang pamangkin.

Nasa parte ng isip ni Arcie ang gustong makilala ang bagong kapit-bahay, hindi niya alam ngunit tila kinakabahan siya sa titira sa kanyang dating bahay, napabuntong hininga nalamang si Arcie at pilit na iwinaksi sa isip ang tungkol sa magiging bagong kapit-bahay.

Hindi niya pinaalam sa kasintahan na pupunta siya sa opisina nito, gusto niyang alamin doon kung meron ba talagang problema dahil ayaw ito sabihin sa kanya ni Marcuz.

Pagdating niya ay agad siyang pumasok sa loob ng building. Naisip ni Arcie na hindi na lang tutuloy sa opisina ni Marcuz dahil hindi rin naman ito magsasabi ng totoo, sa loob ni Arcie naroon ang pagtatampo kung bakit ayaw sabihin ni Marcuz ang totoo kaya naisip na lamang niyang kay Cedi na magtanong.

Nagpaturo siya sa isang guwardya kung saan ang opisina ni Cedi, at agad namang tinuro sa kanya ang lokasyon nito. Pagdating niya sa mismong pinto agad siyang kumatok.

"Come on in," tugon ng nasa loob, boses iyon ni Cedi. Agad na pinihit ni Arcie ang doorknob at pumasok sa loob. Nakita niya ang pagkabigla ni Cedi. Mabilis na tumayo ang lalaki at sinalubong ang hindi inaasahang bisita.

"Hey! Ars what brings you here in my office?" tanong nito at nakipag biso sa kanya.

"May gusto lang kasi akong itanong," agad na wika ni Arcie. Nasa mata ni Cedi ang pagtataka kung ano ang itatanong ni Arcie.

"O-Okay please sit first," anito at inalok ang bakanting upuan sa harap ng kanyang working table habang siya naman ay umikot at umupong muli sa kanyang Swivel Chair.

"I'm sorry kung naabala kita, gusto ko lang kasing itanong," hindi pa nito natuloy ang gustong sabihin at tila nag-iisip.

"Go ahead what is it?" ani Cedi habang hinihintay ang gustong itanong ni Arcie. Napansin nito ang pag buntong hininga ng kausap na siyang mas nagbigay pagtataka sa kanya.

"Nanibago lang kasi ako kay Marcuz nitong mga nakaraang araw. May problema ba siya?" tanong nitong may lungkot sa boses. Napalunok si Cedi sa tanong ni Arcie, kung gayon ay hindi pa nasabi ni Marcuz ang mga nangyayari.


Sa kabilang dako habang busy si Marcuz kaaatupag sa mga paperworks at kung saan kasalukuyan din siyang naghahanap ng solusyon sa kanilang problema sa kompanya. Biglang pumasok si Chessa kasunod si Mitzi.

Napakunot ang noo ni Marcuz habang tiningnan ang dalawa.

"Sir I'm sorry hindi ko po siya napigilan," bulalas ni Mitzi habang nakayuko ang ulo, pero sa totoo ay nag drama lamang sila ni Chessa dahil basi sa sinabi ni Marcuz noon na hindi siya basta-basta magpapasok kung walang appointment sa kanya, baka kasi tuluyan na siyang ma sisanti ng boss.

"Ano na naman ba ang kailangan mo!" may inis na wika ni Marcuz. Dahan-dahang lumapit si Chessa sa table ni Marcuz habang si Mitzi naman ay dahan-dahan ng lumabas sa opisina.

"Im here para alamin ang desisyon mo, and I won't take a no answer to that," kompyansang saad nito.

Napatawa ng pagak si Marcuz. "Oh come on. You—" naputol ang gustong sabihin ni Marcuz nang unahan siya ni Chessa.

"Marcuz please! I wan't to see our Son, na miss ko na siya ng sobra," anito habang nagsimula ang pagbabadya ng mga luha sa mata. "Marcuz Im sick a-and I don't know kung kailan pa ako mag tatagal sa mundo!" dagdag nito habang tuluyang tumulo ang mga luha sa mata. Pinaghandaan na niya ang lahat ng ito kaya madali lang sa kanya ang lumuha at may parte rin naman sa puso niya na totoo ang kanyang mga sinabing namiss na niya ang anak.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon