"Thank you" tumango lamang ako kay Leticia nang tanggapin niya ang niluto kong instant soup.
She woke up around 7 PM. Gulat na gulat siya nang makita niya ako sa kaniyang tabi. I told her what happened and obviously, she couldn't remember anything. Sabi rin ni Aling Linda na lutuan ko lang daw siya ng soup para guminhawa ang pakiramdam at painumin ng gamot.
Hindi ko rin muna pinauwi si Randell since ipapahatid ko si Leticia sa kanila. I glanced at him. He's playing with Dos. He removed his uniform since nabasa iyon kaya naka white T-shirt na lang siya ngayon.
It hugged his body. Makikita mong nag g-gym ito dahil sa hubog ng kaniyang katawan.
Napabaling ako kay Leticia nang maubos niya ang kaniyang pagkain. Ibinigay ko sa kaniya ang gamot at tinanggap niya naman ito. Pinagmasdan ko siya.
Para siyang bangkay pero mas umayos na dahil siguro sa nakain at napahinga siya. I had the urge to ask her what she's been doing for the past few days. Pero hinintay ko muna siyang magsalita.
Luminga-linga siya at natigil ang tingin sa lalaking kasama namin ngayon.
"U-uh, sino nga pala siya?" She even pointed at him.
"Siya ang tumulong sa'kin noong nahimatay ka" I said and also looks at him.
Nag-angat siya ng tingin at tumayo nang maayos. Nagtama ang mga mata namin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Salamat" ani Leticia at napatingala sa kaniya. Well, he's a 6 footer man. Tumango lamang ito at umupo sa sofa sa gilid ko.
"How are you?" Alangan kong tanong.
I can't help but be concerned. Baka hinahanap na siya ng magulang niya...
"Uh, ayos na ako. Salamat nga pala ulit" aniya at ngumiti pero kita ang pagod sa kaniyang mukha. I nodded. Napawi ang ngiti niya nang may mapagtanto.
"Uuwi na nga pala ako at s-sigurado akong hinahanap na ako ni Mama" sabi niya at nataranta sa paghanap ng kaniyang gamit.
"Nasa'n nga pala-"
"It's inside his car" I cut her off.
Tumango siya at tumayo na rin. Napansin niya ang suot niya kaya pinangunahan ko na siya ulit. Nanglaki ang mata niya at tumingin sakin.
"I changed your clothes. You were soaking wet" I said and folded my arms.
Namula ang mukha niya at napatikhim naman si Randell. I was confused then I realized.
It sounds so weird!
Tumikhim din ako at pinigilan ang pamumula ng pisngi.
"Halika na, b-baka lalong gumabi" sabi ko at pumuntang kusina. Nang makabalik ako ay nakatingin silang dalawa sa akin.
Tinaasan ko sila ng kilay. Nag-iwas sila ng tingin at umayos. Binuksan ko ang pinto at pinauna sila. Randell is already has an umbrella with him kaya binuksan ko na ang akin at isinabay si Leticia. He opened the backseat for her habang pinapayungan ko siya.
I was about to get in but he closed the door. I frowned at him.
His eyebrows shot up like he was asking me what he did wrong. Para kaming pipe na nag uusap sa mata at hindi nagsasalita.
"Front seat," he said then opened the door.
"She needs assistance" inis kong sambit.
"She's already okay" he fired back.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...