32

91 5 2
                                    

What the hell is that?

Napaungol ako nang may dumagan sa akin. Hindi pa ako makabangon dahil sa pagod sa biyahe.

Pagkauwi namin sa apartment kagabi ay kinuha namin ang mga gamit ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga tao doon lalo na kay Aling Linda. Same with Leticia and Lomi.

I don't know if I should tell them or not. I was too tired last night to even bother to tell them. And telling them means Lomi might also tell the others. I don't really care. Buong biyahe ay itinulog ko na lang ang sakit na nararamdaman ko. It hurts, really.

Akala ko ay talagang totoo na ang sinasabi niya na ipapakilala na ako sa pamilya niya kahit na may kaunting duda ako. I don't have a choice but to go with him tho. Ayaw ko ring malaman nina kuya ang totoong nangyari. I was glad that they didn't ask what happened. Na kung bakit hindi na ako tumuloy.

May biglang dumagan na naman kaya napa-angat na ako ng ulo at bumangon. May kumalabog at sumunod ang impit na iyak ng bata.

Bata? May bata sa kwarto ko?

Biglang nawala ang antok ko at agad na tinignan kung ano iyon. Around three-year-old baby boy, on the floor, crying. Bigla akong nanigas sa kama habang tinitignan kung sino iyon.

Kaninong anak ito? Kay Kuya Jace? Jake? Or.

Kay ate? She's here already!

Napabaling ako sa pintuan nang may nagmadaling pumasok. She's familiar but I can't see her full face because she hurriedly went to the baby.

"Anak! Ayos ka lang ba?" Anito at binuhat ang baby na umiiyak. Inalo niya ito at hinimas ang ulo.

I was still sitting on the bed watching them. She's familiar... I just can't see her face because she's facing her back on me. She's tall and curvy. Hanggang baywang ang buhok nito at may konting highlight sa dulo. Nakapangbahay din ito. Napakunot noo ako. Sino 'to?

"Hey" tawag ko ngunit hindi ito humarap. Patuloy siya sa pag-alo sa umiiyak na bata.

"Sino ka?" Tanong ko muli na ikinatigil na nito. Nagsimula na itong lumakad papuntang pintuan na ikina-inis ko.

"I asked you who are you? At bakit ka nandito sa bahay ko?" Inis kong sabi na ikinatigil niya na nang tuluyan. Dahan-dahan itong humarap. Nang makita na kung sino ito ay iba't ibang emosyon ang nag-uunahang magpakita.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Wala ba talaga siyang hiya!?

Nagdilim ang paningin ko nang magkaharap na kami. Galit lamang ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang sampalin at sabunutan! I want to hurt her physically so just she can feel the pain I've had after what she did!

After what she have done to our family, she still has guts to be here?! Sobrang kapal ng pagmumukha para yumapak pa sa pamamahay namin!

"Sobrang kapal naman ng mukha mo para pumunta dito, huh?" Malamig kong turan at dahan-dahang umalis sa kama para tumayo. Masama ko siyang tinitignan at nagkukuyom ang kamay.

She looks terrified. Yes, as you should! You have no shame at all!

"U-uh, M-maye" nanginginig niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.

"Sino ka ba para tawagin ako sa pangalan na 'yon? Only my family can call me that. My family" may diin kong sabi. Natikom ang kaniyang bibig at lumunok. Hinarap niya muli ang anak niyang nilalaro ang buhok niya at muling bumaling sa akin na may pagmamakaawa sa mukha.

'Yan! she's great doing that! Kaya napipikot si Kuya Jake! Hanggang ngayon ba naman!

"Oh, ano? Bakit ka nandito! Anong ginagawa mo rito at napaka-kapal naman ng pagmumukha mong magpakita pa dito!" Galit kong sigaw sa kaniya. Naghahalong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon