PROLOGUE

598 27 54
                                    

Mapapaisip na lang ako kung bakit tuwing nagigising ako sa umaga, sa ganitong araw—araw ng Sabado ay may inaabangan na akong dumating. Hindi ko man ito gustong nakikita, tinatanggap ko na lang para mabuhay ako. I glanced at the clock and it shows that it's already 5:57 A.M. Kumagat muna ako ng ginawa kong french toast at bahagyang ninamnam ang tahimik na umaga.

It's been 3 years. 3 years away from what I called home before. Malayo sa inakala kong perpektong pamilya na nakasanayan ko. Noon pero hindi na ngayon. Sa tatlong taong paninirahan mag-isa, hindi pa ba ako masasanay?

Napatigil ako sa aking malalim na pag iisip nang may kumatok sa pinto. Oh. Nandyan na pala. May parte sa akin na natuwa dahil... may madadagdag na naman sa bag ko.

Napailing na lang ako nang makitang nagtatakbo na sa pinto si Dos. Ang aso ko. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya nang pumasok muli ito; kagat-kagat ang isang parisukat na box. Kulay itim ito na may kulay gintong ribbon. Aakalain mong may alahas sa loob nito pero hindi. Pero pera. Mahalaga pa rin.

Lumapit sa akin si Dos at sinalubong ito. "Good boy! Gutom ka na?" Ani ko habang hinihinimas at kalauna'y niyakap na ito.

Tumayo ako at kinuha ang lalagyan niya ng pagkain. Kumuha ako ng dalawang cup ng dog food at nilagyan ng gatas ang isa pa niyang lalagyan. Nang ibaba ko ito ay agad din itong kumain. I smiled.

Hinarap ko ang hawak kanina. Bumuntong-hininga at unti-unting nawala ang ngiti. I lazily opened the box. Bumungad sa akin ang isang puting sobre. May note din sa ibabaw nito. Napairap ako sa kawalan nang makita iyon.

Kumusta ka na,  bunso? uwi ka na, miss ka na namin
-Kuya Jace and Kuya Jake

I scoffed and crumpled it then threw it in the trash bin. Bullshit. I don't care about it. I would if I were the 10-year-old baby girl that they used to pamper and shower with love. But after what happened, I will never come back to them.

Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang libo-libong pera. They would always send me some money for living.

Well, at first I didn't use it because it was from them but then realized that I don't even have a job to live for myself. So, I started to use it for myself but mostly for Dos and for the rent.

It doesn't have any sentimental meaning for me. It's just money. I don't care about the notes or other things they send to me. Lalo na ang ilang regalo kapag birthday ko.

Umakyat ako sa kwarto ko. 2 floors ang nirentahan kong apartment. Hindi naman kasi ako sanay sa maliit na apartment na mumurahin. May pera naman ako bakit ko titipirin sarili ko, 'diba? Lumaki akong hindi naghihirap.

Kinuha ko ang bag ko na pinaglalagyan ko ng mga pera. Backpack ang ginamit kong lalagyan para kapag umalis ako ay isusuot ko lang at makakatakbo pa ako ng walang sagabal.

Daang libo na siguro ang mga naipon kong pera since hindi naman mamahalin mga paninda at kailangan ko dito sa probinsyang napuntahan ko. Kaya naman hindi rin ako nagpapapunta ng kung sino-sino dito. Nakawan pa ako.

Kahit wala akong kakilala ay mababait at matulungin ang mga tao naman dito. Sariwa ang hangin at madaming puno. Madalas din kaming lumibot ni dos sa tulay sa kabilang barangay kaya hindi rin nakakabagot.

Maganda at malinis din itong apartment na narentahan ko. Mabait din ang mga kapitbahay. Lagi pa nga akong dinadalhan ng lugaw tuwing Linggo o 'di kaya'y iniimbitahan ako sa kanila kapag may okasyon.

Kumuha ako ng ilang libo at nilagay yon sa wallet ko. Weekly ko pinapacheck sa veterinarian si Dos. Syempre, para healthy at namomonitor ko kung may sakit ba o anong nangyayari sa kaniya.

Pinaliguan ko muna si Dos at tsaka ako naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt at pants. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili. Gusto kong matawa sa nakita.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon