Nakangising lumapit ang lalaking akala mo'y nakakita ng kakaibang tao.
"Kapangit mo" tanging sagot ni Ashery na lalong sumimangot.
Papalapit na ang lalaki sa amin at nakatingin pa rin sa akin. "Uh, girlfriend mo, Kuya?" anito na ikinataas ng mga kilay ko.
"Bugok, hindi" si Crane ang sumagot at nagtakip ng unan sa mukha.
Umupo sa single couch sa kanan namin ang lalaki. He brushes his hair up and glances at me. Lumapit siya bahagya at ngumiti.
"Kaibigan mo Ashery? Wow, first time magdala ng kaibigan dito ah" aniya at ngumisi sakin. "Single ka, miss?"
Kumunot ang noo ko sa kaniya at bago pa makapagsalita ay dumating na si Randell.
"Hoy, tuta! Lumayas ka d'yan" inis nitong sabi at umupo sa tabi ko. Kasunod naman ang waiter na nilapag ang mga in-order namin.
I was about to get my wallet to pay but Randell stopped me.
"My treat" aniya at umupo sa tabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lamang 'yon. I muttered thanks.
"Ba't ako wala?" Anang lalaki kanina at humigop sa inumin ni Ashery. Hinayaan niya lang ito. I was surprised that she let him drink her lemonade. I think it's a kiwi lemonade base on its color.
"E 'di umorder ka" ani Ashery habang sumusubo ng kaniyang cake.
Ngumuso naman ang lalaki at kinurot ang ilong niya.
"Tita Andy!!!!" Napapikit ako sa biglang paghiyaw nito.
"Lintik ka, mahiya ka nga sa mga customer sa baba at wala rin si Tita" ani Crane at binato ito ng unan.
Tumawa naman ng malakas itong lalaki. Bakit ang landi ng tawa niya?
"Bench!" Sigaw muli nito. Kung makasigaw siya ay kala mo nasa kabilang ibayo ang hinahanap niya.
"Ano po 'yon, sir Clane" anang waiter kanina.
"Dating order ko lang din. Salamat!" Ani Clane at humilata sa sofa.
Napunta na naman sa akin ang mga mata niya kaya tinaasan ko na siya ng kilay.
"Pamilyar ka" aniya na ikinataka ko.
Bakit ba parang ganoon silang lahat? Napatingin din sa akin si Crane. I felt conscious kaya uminom na lang ako.
"Si Ate Ayessa" ani Ashery.
"Ayessa, Ayessa, Ayessa?" Ani Clane at tila nag-iisip.
Lalo akong naguluhan at sumulyap kay Randell na nakasandal patagilid sa sofa. Nakamasid sa amin.
"Ah si ayessa! Maria Ayessa?!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Clane.
Wait... paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Uh, paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib at umaktong gulat na gulat. "Hindi mo na ako kilala? Ako 'to, si Telepono! Clane-clane?" Aniya at umaktong may hawak na cellphone. I try to recall it. It was familiar.
"Tanga, ako 'yung Crane-Crane" ani Crane at tamad akong tinignan "Mga kalaro mo kami dati sa probinsiya." Dugtong niya unti-unting ikina-awang ng labi ko nang mapagtanto.
Mahigit pitong taon na yata noong huli ko sila nakita! Sila iyong nakalaro ko sa probinsya ng mga lola ko. Dahil sa nangyari, kinalimutan ko na ang lahat ng mga ala-ala ko noon or masyado na akong nakulong sa sarili kong mundo.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...