30

99 5 5
                                    

"Sana lahat, sa harap!"

Nailing na lamang ako kay Leticia na sumigaw galing sa bandang gitna ng linya.

It's already our graduation. Lina is our valedictorian and Clea is our salutatorian kaya nasa harap ko siya ngayon. First honorable mention ako kaya gano'n. Nakapila kami dahil magsisimula na ang martsa.

Hindi ko hinayaan ang sarili ko na manibago sa nagdaang buwan. Kinalimutan ko na lamang ang sakit at galit na naramdaman ko dahil wala namang magbabago kung hahayaan ko ang sarili kong malunod sa galit at lungkot.

Sina Leticia at Lomi ang naging sandalan ko. Sila ang kasama ko at lalo kaming napaglapit-lapit. We became the best of friends. Halos araw-araw ay magkakasama kami at minsan nga'y nagtatampo na raw ang mga barkada ni Lomi kaya lagi na rin naming kasama. Kaso, medyo naging awkward kapag kasama namin si Lance dahil nga ay may gusto ito kay Leticia.

Ivan also confessed he likes me, one of Lomi's friends, but I rejected him right away. I wasn't ready for something like that, yet. But we're good. We became friends since he's also Lomi's friend. Kami ni Leticia ay kasama na sa circle nila. Pati si Adhara na pinsan ng pinsan nila Lomi ay minsan na naming nakasama noong nalibot kami sa senior.

Hindi ko na rin nakikita si Randell and I'm glad for that. Buti naman at pinakinggan niya ang sinabi kong ayaw ko na siyang makita.

Kung hindi ko pa pala inopen iyon kay Leticia ay baka nakulong na lamang ako sa galit. Na baka mahirapan lalo ako sa pakikisama sa kanila. I spent Christmas and New year with Leticia and her family. Dahil sa kaniyang pamimilit ay hindi na tulad noong mga nakaraang taon na mag-isa lang akong kakain. Mag-isang titignan ang mga makulay na pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan tapos matutulog kapag natapos 'yon.

Hindi ko na rin maiwasang maiyak habang inaalala ang mga taon na mag-isa lang talaga ako. Sinasalubong nang mag-isa ang bagong taon.

I'm with Leticia's family. We're now greeting "Merry Christmas" to each other when I suddenly cried.

"Huy! Para kang tanga! Naiiyak tuloy ako" niyakap ako ni Leticia at nagyakapan naman kami.

I can't believe na kinaya ko iyong mga taon na mag-isa lang akong nagpapasko. Iyong minsan ay nagluluto na lang ako ng alam o 'di kaya'y oorder ng pagkain para sa aming dalawa ni Dos. Kaya ngayong nacelebrate ko ulit ang pasko kasama na ang taong tinuring na rin akong pamilya ay nakakalambot ng puso.

"Merry Christmas po, tita, tito" bati ko pagkatapos naming magyakapan ni Leticia at mag-iyakan. Binati rin nila ako at kumain na kami.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko noon. Parang may parte sa akin na gusto na lamang umuwi sa pamilya pero ayaw ko. Hindi ko sila kaya pang balikan. I'm probably just homesick.

Tulad noong nakaraang linggo. Lagi namang nagpapadala ng pera sila kuya jake pero ngayon ay nagtaka ako kung bakit iba ang kulay. Siguro alam nilang hindi ko 'yon bibigyan ng pansin kaya binago nila.

Pera ulit at may kung ano pang regalo pero ang note doon ang umagaw ng pansin ko.

Umuwi ka na, please
-Kuya Jake and Kuya Jace

Iyon ang nakasulat doon na ikinairap ko na lamang at tinapon sa basurahan. Like the usual. Pero may iba akong pakiramdam doon. Parang may pinapahiwatig sa akin na hindi ko malaman kaya naman pilit ko na lamang kinalimutan. Hindi na ako uuwi pa.

Mauunang lalakad ang mga teacher kaya wala akong kasama ngayon. Iniwasan kong mainggit sa mga kaklase at ibang estudyante na kasama ang kanilang mga magulang. Pero sabi ni Ma'am Nepo ay tatabi rin siya sa akin pagkatapos nila.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon