"Anong nangyayari dito?" Seryosong sabi ni Randell na nakapamaywang na.
Lahat ng tao café ay nakapalibot na sa amin dito. Halos lahat ay estudyante at lahat ay nakiki-usyoso na ikinairap ko. Parang may gulo pa yata.
Si Art ay nakatago sa likod ni Ashery habang si Ashery naman ay seryoso lamang na nakatingin sa babae sa harap niya. Tatlo silang babae at sa tingin ko'y nasa harap ang kaguluhan nila lalo na't masama rin ang tingin nito sa kanila.
Nilingon ko si Lomi na nakakapit na sa braso ko na para bang takot na pusa na.
"Miss, anong nangyari?" Mahinahon na tanong ni Randell sa babae na ikinalingon sa kaniya nito.
"'Yang lalaking 'yan! Bastos!" Sigaw niya at tinuro si Art na nasa likod ni Ashery na lalong nagtago.
"Paano mo nasabing binastos ka?" Ani Ashery na ikinalingon ko naman sa kaniya.
The girl scoffed and brushed her hair up.
"Pinalo niya 'yung p-pwet ko!" Hindi ko alam kung namula siya sa galit or sa pagkapahiya. Iyong isang babae ay masama ang tingin kila Art samantalang ang babae naman na isa ay kausap na ni Clane at nagpipigil din sa pagsugod noong babaeng nasa unahan.
"Art, totoo ba 'yon?" Ani Randell na agad namang ikina-iling nito at nanlalaki ang mga mata.
"Hindi, kuya! Ba't ko gagawin 'yon eh may pwet naman ako!" Aniya. Napasapo ako ng mukha.
"Can we settle this upstairs? Nakakagulo sila sa ibang customer" bulong ko kay Randell na ikinalingon niya sa'kin.
"You smack my butt, you asshole!" Susugod dapat itong babae pero tinabig siya ni Ashery.
"Ang kulit mo rin noh, hindi nga siya 'yung pumalo, 'diba?" ani Ashery na hindi ko alam kung galit na ba siya o hindi dahil hindi naman nagpapakita ng reaksyon ang kaniyang mukha. Pero para siyang papatay sa tingin niya.
"Ano 'yon? May multong pumalo ng pwet ko?!" Sarkastikong sabi ng babae.
Nalingon ako sa lalaking natawa nang pasimple. Pinangliitan ko iyon ng mata at nang mapansin ako ay mabilis na nag-iwas ng tingin.
Oh, he's the asshole. You will pay for what you did man.
"Miss" sabi ko na ikinalingon nilang lahat sa akin. Tumikhim ako para maibsan ang pagkailang.
"Saan ka dumaan?" Tanong ko na ikinatigil niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Huwag mo akong tarayan. Kahit na maganda ka, dudungisan ko 'yang mukha mo.
"Galing ako CR and I pass by these tables" tumikhim siya at iminwestra kung saan siya dumaan.
"Okay, paano mo nasabing si Art ang pumalo sa pwet mo?" Sabi ko na ikinapula ng pisngi niya.
"Well, h-he's behind me!" Napapikit ako sa pagtaas ng boses niya. Tumaas ang kilay ko at tinignan siya nang mariin.
"May nadaan kang ibang tao, 'diba? Pwedeng sila ang pumalo sa pwet mo" I emphasize the word "pwet" to make her feel more embarrassed. "Pero bakit si Art ang sinisi mo agad? You like him? Hmm?" Sabi ko na agad ikinalukot ng mukha niya na parang bang nainis.
"What?! No! It's just... siya nasa likod ko!" Aniya at nilingon ang mga taong nasa mesa na dinaanan niya.
"Sis, siya yata! Look, he's laughing!" Turo ng kasama niyang babae at tinuro ang lalaking nahuli ko kanina.
Napangisi ako nang nagmamadaling lumayas ang lalaki at ang isa niyang kasama palabas ng café. I smirked as I glance at the three girls whose faces are full of irritation. Immatures. Seniors naman na sana.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...