Naramdaman ko na lamang ang paggiya sa akin ni Kuya Jace at pumunta kami sa harap. Nasa magkabilang gilid ko sila at panay lamang ang tingin ko sa kanila.
I'm still in shock that they're here.
Inayos pa nila ang buhok at toga ko bago humarap. Everyone is looking at us! My classmates, some teachers, sila Lomi at mga pinsan niya, and Leticia's family! Hindi ko napansin na nandito rin pala si Kyro.
"1...2...3" ngumiti ako nang magclick ang camera. Ilang beses din iyon nagclick at panibago naman.
"Wacky!" ani Leticia na ikinalaki ng mata ko at natawa. Nakita ko si Leticia na iminuwestra ang kaniyang dalawang kamay. Hawakan ko daw ang dalawang pisngi ng kapatid ko.
Narinig ko namang tumawa sina Kuya. Ginawa ko na lang ang gusto ni Leticia at ngumuso sa camera. Sinamaan ko naman agad ng tingin si Leticia at Lomi na pareho akong pinagtatawanan.
"Tayo naman!" Ani Art at hinila si Lomi. Silang magpipinsan ay pumwesto agad sa harap.
Kahit na napapansin kong nakatingin sa akin si Randell ay hindi ko siya nililingon. Pasalamat siya maraming tao dito kung hindi...
"Hi, kuyas! Bestfriend po ako ni Maye!" Si Leticia at lumapit agad sa amin.
Tumawa naman si Kuya Jake at kumaway sa kaniya. Si Kuya Jace ay ngumiti lamang. "Mabait naman itong kapatid ko, noh?"
Kapatid. When was the last time I heard that from them?
"Mataray po!" Panlalaglag ni Leticia sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya at tinuro pa ako. "Oh, tingnan niyo po!"
Napabaling naman kami sa tumikhim sa gilid namin ni Leticia. Oh. My guy friends. I awkwardly faced my brothers. "Uh, they're my... um... friends. Leticia, Lance, Ivan, and Heidian." Pagpapakilala ko sa mga kaibigan at tinuro si Lomi na malaki ang ngising kasama ang mga pinsan na nagpapapicture pa. "The other one is Lomi, the one in the middle"
Nang magsilapit sina Lance ay nakipagkamay ito sa kanila. Si Kuya Jake ay nakipag-usap din sa kanila samantalang si Kuya Jace ay nanatali ang kamay sa aking balikat. Nagmamasid at kapag nahuhuli ang mata ko ay ngingiti.
Nang matapos ang pictorial ay isa-isa nang nagsisialisan ang iba. Lumapit na rin sa amin ang mga magulang ng magpipinsang Alfanta kaya humiwalay muna sa akin sina Kuya at nakipag-usap sa kanila. About business, for sure.
Nag-uusap lamang kami nila Lomi, Leticia, Lance, Ivan, at Heidian nang may lumapit sa amin. Amoy palang ay kilala ko na kaya agad akong napalingon.
"Can I be with Ayessa for a minute?" Aniya na ikinalingon ko kay Leticia. Pati siya ay nagdadalawang-isip din.
"Bakit?" Biglang tanong ni Ivan. Nilingon naman siya ni Randell at tinaasan ng kilay.
"I have something to say" ani Randell na ikinangisi ni Ivan. I can feel the tension between them na ikinabahala ko.
"Then sabihin mo sa kaniya ngayon" ani Ivan.
Umigting ang panga ni Randell at dumaan ang inis sa mukha.
"In private" he said darkly. Lumingon pa siya sa akin.
Naramdaman ko ang paglapit gagawin ni Ivan kaya naman pinigilan ko siya at hinarap si Randell.
"Okay, pero ayokong magtagal" pakinggan ang mga kasinungalingan mo. Gusto ko sanang idugtong iyon pero may mga kasama nga pala ako.
Tumango siya kaya pumunta kami sa isang gilid, kung saan walang masyadong tao. Nang mapaniguradong wala nang nakakita sa amin ay sinamaan ko agad siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Novela JuvenilJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...