"Wow! Long time no see, Maye!" Bati ni Clane sa akin at aakmang yayakap nang hilahin siya palayo ni Randell. Natatawa naman siyang tinuro-turo ni Clane.
"Ang OA mo! Hindi ko siya aagawin sayo, excuse me!" Maarteng sabi ni Clane.
Randell's been like that recently. Ayaw niyang may lumalapit na lalaki sa akin o kumakausap. Inasar ko pa siya tungkol dahil daig pa kako niya si Daddy sa akin na ikinaseryoso niya noon.
"Don't tease me please, I'm not that old yet" iyon ang sabi niya sa akin noon na ikinasimangot ko agad.
Niliteral naman ng gago. Ano tawag ko sa kaniya, daddy?
Ikinwento ko 'yon kay Leticia at lalong lumala ang pagfafangirl niya sa amin. She's crazy about us and forgot that she has her own imaginary love life with Lomi. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. Dapat pala ay hindi ko na siya kinukwentuhan tungkol doon.
"Nakwento sa'kin ni Maye na..." Ngumisi si Randell ng nakakaloko kay Clane.
Si Clane naman ay mukhang offended na tumingin sa akin. Napakagat ako ng labi at nagpigil ng tawa.
Noong isang araw kasi, nakita ko siyang may hinatid malapit kila Leticia. Malaki ang bahay kaya panigurado mayaman. Tinanong ko si Leticia kung kaninong bahay don ay sa mga Del Mundo daw. Sa Mayor.
"May hinatid ka raw malapit kila Leticia.." tuloy niya na ikinakunot ng noo ni Clane. Parang takang-taka kung sino iyon.
Napansin ko naman ang pagtigil ni Lomi sa kaniyang ginagawa at pasimpleng tumingin sa amin. Napangisi ako. Kapag sinabi ko ito kay Leticia, lalong aasa at magpapakatanga iyon.
She admitted to me that she really likes Lomi. Sabi niya'y ngayon lang daw siya nagkagusto nang husto sa isang tao dahil parati ang mga crush niya ay lima sabay sabay. Basta makakita lang daw siya ng gwapo ay crush na niya.
Sa kabaliwan ba naman niya, matatakot sa kaniya si Lomi. Ni hindi nga rin sila madalas magkita.
Nanlaki pa nang bagya ang mata ni Lomi nang mapansin ang tingin ko at nag-iwas ng tingin. Mga parehong duwag. They obviously like each other, mga ayaw lang magsi-amin.
"Leticia? 'Yung nababanggit ni Lomi?" Inosenteng sabi ni Clane na ikinatawa ko. Agad namang nag-angat ng tingin si Lomi at umiling.
"H-hindi! Kuya Clane kung ano ano pinapauso. Ano 'yon, L-lina? Lina oo!" Ani Lomi na ikinawala naman ng ngisi ko.
Si Lina? Crush ni Lomi? Nako.
Sabagay, maganda naman si Lina at mabait. Masipag pa mag aral, mukha nga lang manang manamit. Well, hindi ko naman siya hinuhusgahan, I'm just describing her.
"Lina Mendez ba?" Sabi ko na agad ikinalingon ni Lomi at tumango. Para pa siyang naalangan sa sinabi. I glanced at Randell sideways and he's also wearing the same expression as me.
"Wow, nagbibinata ka na talaga!" Niyakap ni Clane si Lomi. Nagtulakan naman silang dalawa.
Lumapit ako kay Randell at bumulong.
"Should I tell this to Leticia?" He smirked and shook his head. Napalabi ako at tumango-tango.
Mabait naman akong kaibigan. Ayaw ko siyang mabroken.
"Wag mo ilayo ang usapan Clane, huwag mong sabihing may sineseryoso ka na?" Si Randell.
Si Clane naman ay nanlaki ang maliit na mga mata at tumagilid pa ang ulo na para bang sobrang offended siya. "So sinasabi mong hindi ako nagseseryoso?" Madrama pa siyang humawak sakaniya dibdib na ikinairap ko.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Roman pour AdolescentsJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...