"Hi" nakangising turan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang biglang nag-alab ang mata ko nang makita siya.
"Bakit ka nandito?" Malamig kong turan.
He seemed so shocked about my question. Agad ring naglaho ang tuwa sa kaniya mukha at napalitan ng pagtataka.
Ang lakas ng loob niyang magpakita! Paano kung hindi ko 'yon nakita, hanggang kailan ako magbubulagbulagan na pinagtitripan lang niya ako?!
"Hey, what happened? Do you want to talk about--"
"Huwag ako Randell! Lumayas ka!" Tinulak ko siya na lalo niyang ikinagulat. I don't care!
"Nandidiri ako sa'yo! Wala kang kasiyahan sa isa! At ako pa talaga!" hindi ko na mapigilan ang sarili na pagsusuntukin na siya.
Sinasalo niya lang iyon at pakiramdam ko'y mapapagod lang ako dahil wala lang ang mga iyon sa kaniya.
"What are you--"
"Kung hindi pa ako nagpunta sa school niyo hindi ko malalaman ang ginagawa mo!" Sigaw ko lalo sa kaniya na ikinatigil niya. Nakatitig lang siya sa akin at tila inaalala ang ginawa niya.
"Ano!? Nagtext ako sa'yo na nasa school mo ako!" Sigaw ko at pinaulanan muli siya ng suntok sa dibdib.
Bumuntong hininga siya sa ginawa ko at hinuli ang mga kamay ko. Pilit niya akong pinapakalma ngunit nananaig na ang galit na nararamdaman ko sa kaniya.
"Calm down--"
"Wala akong pakialam! Napakagago mo! Ano, porket wala akong alam sa mga pinaggagawa mo, pagtitripan mo na ako?! Ano tingin mo sa akin, walang pakiramdam!?" Nanggagalaiti kong sabi.
Gusto ko siyang saktan! Gusto kong iparamdam sa kaniya ang naramdaman ko!
"What is it? Ano bang ikinakagalit mo?" Kalmado ngunit naguguluhan niyang tanong.
Lalo akong nainis sa kaniya. Wow! Maangang-maangan!
"Wala kang alam? Matalino ka, 'diba? Bakit hindi mo alam? Kasi ako hindi naman bobo pero alam ko! Hindi ako tanga!" Galit kong sabi. Nag-init naman ang mata ko at naramdaman na lang ang pagtulo ng luha ko mula doon.
Umawang ang labi niya nang makita iyon at magsasalita sana nang tumunog ang kaniya phone. Hinawi ko rin ang kamay niyang nasa akin. He took it out and I peeked at who's calling.
Mikee.
Biglang nagdilim ang paningin ko at dinala iyon sa kaniya. Gusto ko siyang saktan nang saktan! Gusto kong maglabas ng hinanakit!
"Answer it" malamig kong turan. Umiling siya at akmang itatago iyon nang hablutin ko sa kaniya 'yon at sinagot.
"Babe..." Boses ng babae ang sumagot.
I feel like I was stabbed multiple times when I heard it. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ako nilapit-lapitan? New experience? Kasi kaya niyang pangunahan?!
Napakatapang nga naman ng hiya! May girlfriend na, pumupunta pa sa ibang babae!
Inangatan ko siya ng tingin at hindi siya makapagsalita. Speechless, huh?
Pinatay ko ang tawag at tinapon sa kaniya ang kaniyang phone.
"Nakakaawa 'yang girlfriend mo" I said and grinned humourless. "Hindi ka man lang makuntento sa kaniya at nanglalandi pa ng bata" I spat the last word harshly. Siya naman ay parang napako sa kaniyang kinatatayuan at hindi makapagsalita. Nakatitig lang sa akin na akala mo'y maiintindihan ko siya sa ganoong paraan.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...