Nakasimangot kong pinagmamasdan ang mga damit na pinagkukukuha ni Ria. Hindi naman sa hindi ako nagsusuot ng ganito pero sobra naman yata ang paglalabas ng kaluluwa ko rito!
We're at the mall because Ria insisted that we should buy a dress for tonight. Sabi ko ay meron naman akong masusuot pero gusto na rin daw niya magshopping.
"Magche-change outfit ba ako mamaya? Ang dami niyan Ria" sabi ko habang sinusundan siya.
May inilapat siya sa aking harapan na para bang sinusukat niya iyon sa akin o tinitignan kung bagay. Hinawakan ko iyon at inikot. I like this. It's a Saint Laurent Ruffle Black Dress and I forgot that we are in a branded store. I can feel this cost like thousand dollars.
"Mas maganda kung maraming pagpipilian..." aniya habang chinecheck ko ang damit.
"This one" sabi ko na ikinangisi niya.
"Ang ganda mo pumili! Dapat puro gan'yan na ang binibili mo!" Ani Ria. I smirked at her.
This is also one of my stress relievers. I like styling myself into different styles at nawala na lang siguro iyon sa sarili ko dahil sa nagdaang taon. Kung gusto ko man magganto, wala naman akong sariling sasakyan para pumunta sa mga mall at hindi ganoon kalaki ang kwarto ko para paglagyan ng magagarbong damit.
And now, living in my normal life, having a walk-in closet of my own, I can do whatever I want. I can have whatever I want.
I didn't bother checking the price and went to the counter. Binigay ko ang card ko a cashier. I deposit all my money to my account which Kuya Jace made.
Ria went to another store to buy the dress that she wanted. Her dress is a Celeste Moire Bow Dress. May malaking bow sa harap ng dress na nagsilbing pangkapit sa dibdib. Nang sinukat niya 'yon ay bagay na bagay sa kaniya. Exposed ang kaniyang balikat at taas ng dibdib.
We ate before going home. Sabi niya'y pupuntahan niya ako para mag-ayos. Nasa sala sila Ate na agad naman akong napansin.
"You got great taste, Sis! YSL!" ani ate na ikinatawa ko naman.
Nagpaalam ako na maliligo lang bago balikan sila. Kalalabas ko ng banyo ay tumunog ang phone ko. Ria texted. I decided to buy a sim card earlier, para nga naman mas convenient. Pahirapan pa kapag wala ako dahil hindi naman laging may internet.
She said that she's outside. Ang aga naman yata niya.
Pagkababa ay sinabi kong pupuntahan ko lang si Ria sa gate. Naroon siya. May dalang bag at ang paper bag ng dress na binili niya kanina.
"Pasok ka" aya ko. She smiled sexily. Binati naman siya nila Ate. Si Kuya Jace lang pala ang wala sa kanila.
"Mukhang ready kayo sa girls' night niyo ah?" Si Ate nang maka-upo kami. Ngumisi ako at tumango.
"I'll make sure Maye will enjoy, Ate!" Binalingan ako ni Ria at inasar ng tingin.
I rolled my eyes jokingly. I researched about it last night. It really looks fun. Sinabi na rin sa akin ni Ria ang night club na pupuntahan namin. Madalas na raw siya doon at kilala na rin siya ng iba doon. She also said na dadalo ang iba niyang mga kaibigan.
"Itago mo si Maye, Ria. Baka bantayan kayo ni Jace" ani Kuya Jake na ikinatawa namin. Si Ate Sheela, ang kaniyang asawa ay pinagalitan naman siya.
"Syempre, Kuya Jake. Planado ko 'yan" si Ria. Umikot doon ang usapan at lahat naman ay nakakarelate. Ria is friendly and nice.
Buti nga at kahit hindi naman kami nagkakita ng ilang taon ay close pa rin siya sa pamilya ko.
Nang matanong ko kung may trabaho ba sila ay sinagot nilang oo. Nakakapagtaka kasi dahil simula noong dumating ako ay kasama ko lamang sila sa bahay.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Novela JuvenilJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...