"Friends kami" she said that made me snort.
"Ano nafriend zoned ka?" Natatawa kong sabi na ikinatango niya. Natawa naman ako lalo.
Pero unti-unti napawi ang aking ngisi nang mapansing malungkot siyang nakatingin sa akin at namumula na ang mata.
Oh shit. Akala ko nagbibiro.
"Umamin ka ba?" I awkwardly asked her. Tumango siya at napayuko.
Damn it, Ayessa! Pinagtawanan mo pa talaga!
"Sorry sa ano... sa pagtawa" sabi ko at napakagat labi. Nakakaguilty tuloy! "Magkwento ka nga" dugtong ko na ikinatango niya naman.
"Inaya niya kasi akong l-lumabas. Nagkakausap kami at nagkakaclose na rin, hindi ko lang nasasabi sa'yo" aniya at nanginginig na ang boses. Bakit hindi niya sinasabi sa akin 'yon!
"Hindi ko sinasabi sa'yo kasi wala lang din naman 'yon eh, nagpapatulong siya minsan sa akin at nagkakasundo rin kami dahil mahilig kami sa arts"
Pareho kaming napalingon nang may kumatok.
"Anak, nandyan ba kayo?" Tanong ni tita Flor. Ako na ang sumagot.
"Opo, tita!"
"Ah, sige sige!" anito at narinig namin ang papalayo nitong yabag.
"Nag assume ako na mayroon nang namumuo sa amin kaya umamin ako. Kasi akala ko tulad sa'yo, na maganda ang naging kalabasan ng pag-amin mo pero hindi pala..." Tumingin siya sa akin at namumuo na ang luha sa kaniya mata.
Oh God, help me, I don't know how to comfort her!
"Sabi niya ay f-friends lang d-daw ang tingin niya sa akin" nanginginig niyang turan.
Bumagsak ang balikat ko. I feel her pain. Kahit papaano ay umasa siya na meron man lang. Kahit na ba crush lang niya 'yon, pero matagal na niya pala siyang gusto.
Noong elementary ay madalas din daw niya itong makalaban sa mga poster making contests kaya nakilala niya na rin.
"Dapat pala talaga ay hindi na ako umamin, nagmukha pa akong tanga sa harap niya" aniya at mapaklang tumawa.
I feel bad for her. Really. Nilapitan ko na lamang siya at niyakap. I can't find the words that can make her feel okay.
"Since friends na nga lang kayo, huwag ka naman sanang mailang?" Sabi ko na ikinatango niya.
"Mahirap pero tatry ko na huwag maging awkward kapag kasama siya" aniya na ikinangiti ko.
Gusto ko sanang sabihin ang sinabi ni Lomi noon sa café, eh. Na si Lina ang gusto niya pero sa itsura at nararamdaman ni Leticia ngayon, ayaw ko namang dagdagan pa ang nararamdaman niyang pagsisisi sa pag-amin niya. Ayaw ko ring maging awkward sila ni Lina.
Nagbalik ang klase at parang ako pa ang nahihirapan kay Leticia nang mapadalas ang pagsama sa amin ni Lomi.
Sa school ay minsan binabati niya kami. Tatango at ngingit naman ni Leticia nang pilit at kapag nalagpasan na ay mapapabuntong-hininga na siya. Hindi naman siya laging nakadikit sa amin. Kapag lang kasama si Randell. May pagka-ilap sa babae si Lomi pero sa amin ay hindi. Nakakapagtaka dahil hindi niya naman kami ganoon kakilala pero hindi siya naiilang.
"They're close already?" Si Randell habang kumakain kami sa isang food stall kasama sila Leticia.
Si Lomi at Leticia ay nasa isang food stall at nagtatawanan. Hindi ko alam kung hindi na ilang si Leticia o talagang magaling lang siyang magpanggap. But I salute her for being like that, hindi ko kaya ang maging martyr.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...