12

111 11 16
                                    

Tatlong katok ang iginawad ko sa pinto ng kwartong pinasukan ni Ashery. It was one of the guests' rooms.

I seriously don't know how to calm her. I'm the youngest in the family! Hindi ko naman inaalo ang mga kapatid ko kapag bad mood or what! Pero ako ang pinakamatandang babae dito ngayon kaya ako ang nautusan. I'll just try my luck then.

Kumatok ulit ako at narinig ako boses niya.

"Tigil-tigilan niyo ako!" nagulat ako sa pagsigaw niya.

"Ashery, si Ayessa 'to" pagpapakilala ko. Maya-maya lang ay bumungad na siya sa akin nang buksan ang pinto. Namumula ang mata nito at halatang umiyak pero pinapanatili niya ang matigas na mukha.

Ngumiti ako sa kaniya. "Pwedeng pumasok?"

Nag-alangan pa siyang buksan ang pinto at nag-iwas ng tingin. Nang buksan niya itong nang malaki ay pumasok naman ako. Simple lang ang kwarto, dahil na rin guest room lang ito at hindi naman siya dito nakatira. Umupo siya sa kama at humilig sa headrest. Umupo naman ako sa gilid nito.

Paano ko ba siya in-a-approach? Tatanungin ko kung bakit siya nagalit? Baka sabihin niya nangingialam ako!

We just sat there in mere silence. Ang aming paghinga lang ang nagsilbing ingay roon.

"Nagkaroon ka ba ng kaibigan na lalaki, ate?" Basag niya sa katahimikan na ikinalingon ko sa kaniya. Nakatingin lang siya ng deretso sa harap. Umayos ako ng upo at tumukhim.

"Uh, oo. Sila... Kuya mo" kaibigan na rin ang turing ko sa kanila, 'diba?

We're friends since kids. Nahiwalay lang ako sa kanila dahil ang paglilipat-lipat namin ng bahay. Napatingin na siya sa akin.

"Oh, ayan naman pala. Kaibigan ka rin nila pero bakit ako bawal? Napaka-oa ni Kuya Crane! Naiinis ako! Parang hindi sila lalaki ah!" nabalot na ng iritasyon ang kaniyang mukha.

"Baka naman pinoprotektahan ka lang ng Kuya mo sa iba?" bitterness crept into me as I said those words but I shook the thought off. This is not the time to think about that.

Kumunot ang noo niya at lalong nalukot ang mukha. Mukha napasama pa yata ang pagpunta ko...

"Kaibigan 'yon! Mukha lang gago pero hindi!" she's frustrated.

Ayessa pinapalala mo lang yata! I pursed my lips as I put my hand on her back.

"Then ipaliwanag mo sa Kuya Crane mo. Baka namali sila ng intindi. Baka rin kasi iba ang pakiramdam niya sa kaibigan mo na 'yon" I said then move closer to her. Lalo siyang sumimangot at nanlisik ang mata na parang gusto nang pumatay.

"Sino ba 'yon? At ilang taon na?" dugtong ko.

"17 yata" she said that made my brows shot up.

"Baka ang akala ng Kuya mo ay boyfriend mo" sabi ko naman.

Biglang nalukot ang mukha niya na parang nandidiri.

"Hindi ko 'yon boyfriend! Magkaibigan lang nga kami" tumango naman ako.

"Then sabihin mo sa Kuya Crane mo at ipaliwanag mo. He cares for you that's why. Tsaka dapat magsorry ka rin sa kaniya"

"Bakit ako naman magsosorry..." matabang niyang sabi at bumaba ang boses.

"Syempre, nasigawan mo siya kanina. Mas matanda siya sa'yo at dapat magbigay respeto ka. Tsaka dapat pakinggan mo rin 'yung side niya, kung bakit niya nagawa 'yon" marahan kong sabi.

It somehow made her calm. Tinitigan ko muna siya para makita ang kaniyang reaksyon. She fixed her ponytail and took her tumbler. Uminom siya at halos maubos iyon!

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon