Tumango ako at pinilit na huwag mainis sa maarteng pagmumukha ng asawa niya.
"Her mom is sick and she needed money for her medication" mariing sabi ni Kuya.
Bigla naman akong nanigas sa kinauupuan at umawang ang labi sa nalaman. I suddenly felt the guilt. Nagtama ang tingin namin ng asawa ni Kuya Jake. Her eyes is glistening with tears.
Biglang bumaliktad ang nararamdaman ko. Ang kaninang nanggagalaiti sa galit ay napalitan ng takot at pangamba.
I was so harsh on her, ever since. It's because mommy made me hate her. And I was young and naive. I didn't think out of the box. I just believe what I hear or see coz' I always think it's enough evidence. That she really is a gold-digger.
Napakunot-noo ako at pinigilan ang panlalambot. I glanced at Ate whose eyes were already on me, same with her husband, and Kuya Jace na naka-antabay sa akin.
"And I love her too, Maye. I loved her ever since and I wanted to help her as much as I can. Hindi ba't gusto mo nga 'yon? 'Di ba sabi mo noon na kung kaya nating tumulong ay tumulong tayo?" Dugtong pa ni Kuya Jake.
Bumaba ang tingin ko sa kandungan na para bang kaya nitong bawasan ang guilt na nararamdaman ko. "Hindi ko naman kasi alam na..." Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil ang hirap. Hindi ko rin alam kung ang simpleng sorry ko ay ayos na para sa kanila. I didn't just hurt her with words, I remembered I even pull her hair with so much hatred.
"We are also at fault, Maye. Hindi namin sinabi agad sa'yo ang tungkol doon dahil..." Umangat ang tingin ko kay Kuya Jake na lumingon sa asawa at hinawakan ang kamay. "Ayaw rin ipaalam ng Ate Sheela mo ang tungkol doon." Pagkatapos ay pinunasan niya ang luha ng asawa.
"Okay..." Hindi ko sure na sabi at bumuntong-hininga. Hindi na ako makatingin sa kanila sa sobrang guilty. Bumaling ako kay Kuya Jace na seryoso ring nakatingin sa akin. Bumaba ang mata ko sa aking plato at doon nakipag-usap.
Sa mga nangyayari ngayon wala akong ibang masisisi kun'di ang sarili ko. Masyado akong naging padalos-dalos sa desisyon at agad na naniniwala sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Nagpapadala sa bugso ng damdamin.
"May pagkukulang din kami, Maye. Alam kong gulong-gulo ka na at huwag mo naman sana sisihin ang sarili mo. Walang may kasalanan sa atin." Si Kuya Jake.
How about what happened to our parents? It was him who triggered mommy...
Umiling ako at suminghot. "N-no" my voice cracked that made my eyes water. Umangat ang tingin ko sa kanila at gustong sila ang sisihin. "K-kayo pa rin ang may kasanalanan k-kung bakit nawala sila m-mommy!" Nanginginig kong sabi.
Gusto kong ilabas ang saloobin ko nang walang panghihina. Lagi na lang akong nanghihina.
Umawang ang labi ni Kuya Jake at nag-iwas ng tingin. Umiling ulit ako at nagtangis ng bagang.
Hindi rin niya maitanggi kasi totoo.
"I know mommy isn't your mom p-pero she did everything to be our mom, right? Kayo nila ate" sabi ko at sinulyapan sila Ate na namumula na rin ang mga mata.
"Simula pa noon, m-mom treated you like his own son. Alam niyo 'yon, Kuya..." hindi ko na napigilan pa ang luhang tumulo sa aking mata. "But why? Alam mong may sakit si Mommy pero tin-rigger mo siya!" Tumayo na ako at gustong isumbat lahat-lahat sa kaniya.
His jaw clenched as he's holding her wife's hand. I glanced at the baby on Ate Sheela's lap. He's innocently looking to his father.
"Maye..." Tawag ni Ate na hindi ko binigyang pansin.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...