"Mahaba ang biyahe, Magsitulog na lang kayong dalawa" ani Kuya Jace pagkabuhay sa sasakyan.
It's already Ate's wedding day. It will be a sunset wedding at maaga kaming umalis dahil gusto rin namin magsaya lalo na't hapon pa naman ang kasal. May organizer naman sila Ate kaya hindi sila na sila ang mahihirapan at talagang pinaghandaan na nila ito.
They live in Cebu pala after noong mangyari sa amin. Umuwi para magpakasal at dito na rin magstay.
"I'll connect my playlist! Ang tanda mo na talaga, Kuya Jace" pang-aasar ni Ria kay Kuya na ikinasama ng tingin nito sa kaniya.
I'm wearing a striped polo shirt dress and a white snickers. Ria is wearing a floral mini dress. Kay Kuya Jace kami sumabay papunta sa private beach na paggaganapan ng kasal. Ang balak pa nga dapat namin ni Ria ay siya na lang ang magdrive papunta doon kaso masyadong malayo iyon at ayaw rin ni Kuya.
I checked Ria's playlist and they are all unfamiliar. I just chose one and play it.
I think it's good because the beat is relaxing. Pero napakunot ang noo ko nang naintindihan ang lyrics. It's about sex?
Napa-angat ang tingin ko kay Kuya Jace na nakakunot na rin ang noo na nakatingin sa amin sa rear mirror. Sumulyap ako kay Ria na nakatingin din sa akin. Para bang takang-taka siya sa tingin ko sa kaniya.
"What? I'm already in legal age and it's normal for me to listen this kind of music... it's good" she reasoned out.
Nagkibit-balikat lamang ako at humilig sa upuan. Kahit ang mga sumunod na kanta ay may pagka-explicit kaya hindi na mawala ang pagkakadugtong ng kilay ni Kuya. Nagdrive thru na lang kami dahil inabot kami ng tanghalian at nang makakain ay nakatulog naman ako.
Nagising na lang ako na naroon na pala kami sa hotel at nagbababa na sila ng gamit. Inilabas ko ang tingin at nakitang nasa labas na si Ria, nakaupo sa isang bench. Lumabas naman ako at medyo nasilaw pa sa liwanag sa labas. Inayos ko naman ang sarili at tumabi kay Ria.
"Next week na lang tayo mag-enroll?" Aniya habang nakatingin sa phone.
Napag-usapan na rin namin ito nila Ate. Kung saan ko raw gusto mag-aral, 'e di doon. But I'm still contemplating about. Sakana na iyon siguro aalahanin. Matagal-tagal pa naman.
"Nasa loob na sila Ate. Tara na" napabaling kami kay Kuya Jace na ngayon ay nakapamulsa sa harap namin.
Tumango ako at sumunod sa kaniya. Nasa lobby kami at hinayaan namin si Kuya ang mag-asikaso. Nakaupo lang kami ni Ria sa sofang mayroon doon sa lobby.
"Let's take a dip later." Ani Ria na ikinasang-ayon ko naman. Bumalik sa amin si Kuya at binigay ang susi ng room naming dalawa. Sa iisang room kami at katabing kwarto lang namin ang kina Kuya.
"Maliligo ba kayo? Doon na lang muna kayo sa pool" si Kuya Jace nang mailagay na sa kwarto ang mga gamit namin.
"Uh, okay" sabi ko at sumulyap kay Ria na busy pa rin sa kaniyang phone. Kanina pa siya nasa phone ang tingin at tahimik. Nakakunot din ang noo.
Sumulyap muna si Kuya sa kaniya bago magpaalam na sa kwarto niya muna siya. Umupo naman ako sa kama para ayusin ang mga gamit ko. Pati ang gown na isusuot namin mamaya ay inayos ko na sa gilid. Nakahanger iyon at may stand para hindi magulo at masira.
Halos patapos na ako ay nasa phone pa rin ni Ria siya nakatingin. Nakaupo siya sa kaniyang kama at mukhang problemado. Lumapit naman ako sa kaniya.
"May problema ka ba?" Tanong ko na dahan-dahan niyang ikinatingin sa akin at bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Novela JuvenilJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...