"Ano 'yung ipapaturo mo?" Ani Leticia habang sumusubo ng takoyaki.
Nagulantang si Randell at napatingin sakin. Ako itong nagmamasid lang sa ginagawa at nakahalukipkip sa sofa.
"Uh, it's just an assignment in Science." Aniya na ikinataas ng kilay ko. Akala ko ba sa arts?
Pati si Leticia ay natigilan. "Akala ko ba magpapatulong ka rin ng project mo sa Arts?" Ani Leticia na ikinatango ko naman.
"Oh, um..." nag-iwas ito ng tingin.
"You're bluffing." Sabi ko at tinignan siya nang mariin.
Napakamot ito ng batok at ngumisi na ikinalabas ng kaniyang dimples. Naramdaman ko ang pag-init bigla ng pisngi ko dahil medyo namangha ako roon.
"Well... Uunahin ko muna ang Science ko since.. uh... Mahina ako roon" aniya.
He seems suspicious but I let him.
"Ahh.. kung gano'n, kay Ayessa ka magpaturo" ani Leticia na pinaniwalaan naman ang sinabi nito.
"Siya ang panglaban namin sa Science eh" Dugtong pa niya at itinuloy ang paggawa ng aming project.
"Oh, wow. That's nice" anito at kinuha ang kaniyang notebook at libro. Hindi ko na ito pinansin ang kumain ng takoyaki.
Napatingin sa'kin si Leticia at Kay Randell.
"Uh, palit kaya tayo Ayessa para makapag usap kayo nang maayos?" anito at umasog. Ako naman ay lumipat sa gitna at tumabi kay Randell.
"Here" anito at pinakita sakin.
Napakunot ang noo ko nang makita kung anong grade iyon. I thought he was in college?
"Sa'yo ba 'to?" Sabi ko at hinarap siya.
Napaawang ang labi niya at tumikhim kaya sinamaan ko na ng tingin.
"Actually... It was my cousin's." Aniya na ikinahalukipkip ko. Nag-iwas siya ng tingin at uminom ng juice. Para siyang kriminal na nahuli.
"Sabihin mo nga ang totoo" sumeryoso ang aking boses.
He sighed defeatedly. "Sa pinsan ko 'yan, bumaba kasi siya sa subject niyang Science at mapapagalitan siya ng papa kapag nalaman mabababa ang quizzes niya. Ngayon ay binigyan siya ng special test pero ang tukmol" tumigil siya at tinignan ako. "Mas inuuna ang laro kaya ako na ang gagawa" kwento niya.
I was amused to what he said and took the paper from him. Nagkatinginan muna kami bago niya tanggalin ang tingin sa akin. Nailing ako.
"So... ako na ba ang magsasagot? This was our quiz last week eh" sabi ko habang sinusuri na 'yon.
"Yup" Sagot niya kaya nagsimula na ako.
"Ayessa" tawag ni Leticia. I hummed in response.
"Pwedeng magpatugtog? Ang tahimik eh" sabi niya ikinatango ko. She played some KPOP songs. I'm familiar with the other songs since maraming kpop fans sa aming room at isa na siya do'n.
"Uh, Ayessa?" Tawag muli ni Leticia.
"Ano" sabi ko nang hindi siya tinitignan.
"Nakikinig ka ba sa KPOP?" Tanong niya.
"Oo ngayon kasi pinapatugtog mo?"
"Hindi, I mean, fan ka ba nila?"
"Uh, obviously no"
"Ah okay, ikaw Randell. Randell ba?"
"No, not really" sagot naman nito habang inaabala ang sarili sa kaniyang binabasa.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...