"Good morning everyone" bati ng adviser namin.
Bumati naman kami pabalik. Friday at may P.E. kami. Tuwing Friday at vacant time namin sa first subject at last kaya maaga kaming nakakauwi tuwing Friday.
"Pagplanuhan natin ngayon ang gagawin natin for the School's foundation day. It will be on July 5" anito na ikinagulo ng klase.
"Ma'am! Arkila po ng truck! Last year po kasi hindi kami pinasama sa parada. Pero 'yung special sections pinasama" reklamo ng isang kaklase ko.
Umingay na naman sa room dahil sa pagbibidahan about sa nangyari last year. Wala rin naman akong alam sa nangyari dahil tumambay lang yata ako no'n room maghapon.
"Yes, yes, mag-aarkila tayo" natatawang sabi ng teacher namin.
Nagsigawan ang lahat. Nagpangalumbaba ako at nagsulat-sulat ng kung ano-ano sa notebook. Hindi pa ba matatapos...
"There will be a Ms. and Mr. N.U. Foundation. Tulad ng dati. So, magbotohan tayo kung sino ang pambato ng section natin." Anunsyo muli nito.
Nagsimula nang magsulat si ma'am sa blackboard. Umingay din dahil sa harutan ng iba.
"Let's start the nomination"
"Ma'am! I nominate Clea po!" Si Mia. Bestfriend ni Clea.
Clea smiled sweetly at everyone and she even stood up. Chineer pa siya ng mga uripon niya.
Kilala sila dahil mayayaman at maarte? Para sa akin maarte sila. Mayaman din naman ako pero hindi ako lumaking kasing brat nila.
"Okay." Sinulat ni maam ang pangalan niya. "Sino pa?"
Umingay na naman ang lahat kaya nagsulat sulat muli ako ng kung ano-ano sa notebook ko. Ang ingay-ingay, ha!
"Ma'am, I nominate Ayessa!" Nalingon ako sa nagsalita.
It was Shane. She gave me a peace sign nang makita ang matalim kong mata sa kaniya.
I don't care, ayoko rin naman.
"No ma'am. You can nominate her instead" sabi ko. Nakatanggap ako ng iba't ibang reaksyon mula sa iba.
"Ikaw na lang, Ayessa!"
"Oo nga!"
"Para hindi ka naman mukhang loner!"
Napairap ako at nailing.
"Voting first everyone, so who's in favor for--" pinutol ko agad si Ma'am nang isulat niya ang pangalan ko.
"Ma'am, I said ayoko po" I said seriously.
Everyone went quiet pero may umepal.
"Ayessa, it's just for fun. Wag ka nang mag-inarte. As if ikaw ang iboboto nila, 'diba" Ani Clea na ikinitaas ng kilay ko.
Her audacity of her to say that to me! Ngayong mukha pa akong napahiya, akala niya ba aatras ako?
I'll take that as a challenge.
Tumayo rin ako at hinawi ang buhok.
"Hindi ako maarte. Okay sige. Ma'am, I close the nomination" matapang kong sabi.
I'm not blind to see that my other classmates don't like her too because of her attitude. Everyone cheered and clapped. Clea looks at me with her bitch face. I mirrored hers with mine.
"Okay... who's in favor of Clea?" Nagtaas ng kamay ang mga kaibigan niya at iba kong kaklase.
Some are boys since she's friendly with them. Well, her friendliness with them is obviously flirting. She's clingy as if they're her boyfriend. Tapos ang arte-arte pa.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...