47

108 4 0
                                    

Gusto kong maawa pero nananaig ang kagustohan kong manuya sa mukha ni Randell na mukhang asong nagtatampo ngayon. Ang aga ba namang nangbulabog! Ang ganda ng panaginip ko tapos bigla siyang tatawag!

"Dito ka na lang tumira sa amin, Maye" panglalambing niya. Nalukot ang mukha ko at inasar siya ng halik.

Mag-eenroll na kasi kami ni Ria ngayon sa kilalang university dito sa amin. Corella Uni. Dito rin nagtapos sina Ate at Kuya kaya panatag sila dahil maganda ang turo at environment.

At mula kagabi, hindi pa rin sumusuko si Randell na pigilan akong mag-enroll.

Napatingin ako sa labas at nakitang pumarada na ang sasakyan ni Ria doon.

"Bye na! Aalis na ako" sabi ko na lalo niyang ikinasimangot.

Napangiti lamang ako. Hindi man kami magkasama, sobrang clingy niya. Halos buong araw ay nasa bahay lang ako kaya buong araw ko din siyang katawagan. Hindi ko alam kung paano kaming naging ganoon. Hindi nauubusan ng usapan, well mostly, siya ang nagsasalita. Nagtatampo.

Hindi pala nila hilig ang LDR. Sabi ni Kuya Gab noon nang minsan siyang sumingit sa tawag namin.

"Ano bang pwede kong gawin para magbago isip mo? Dito na lang, Maye. May apartment ka pa naman dito, 'diba?" halos maiyak niyang sabi. Napairap na ako at lalo siyang nginisihan.

"Randell, this is my home. As long as I want to study there in Nouvaunde, mahihirapan kami. This is where me and my family grew. Huwag ka nang mag-inarte d'yan at hindi bagay sa'yo" panunuya ko na ikinabuntong hininga lang niya.

Bumuntong hininga rin ako. Alam kong mahirap itong sitwasyon namin. But we want this. We love each other so we'll make this work.

Gusto ko rin siyang kasama lagi. Lalo na ngayong boyfriend ko siya, gusto ko nandyan lagi ang presensya niya. Tuwing kasama siya, wala akong ibang iniisip kun'di kami lang dalawa.

Sounds cheesy but I love him. I thought I'd never be like this, but what they really say when you're in love is true. Hindi mo iisipin iyong mga bagay na nagagawa o nasasabi mo dahil masyado kang masaya at iyon lamang ang nasa isip mo. Na nagmamahalan kayo at wala nang hiya-hiya.

"I'll do what I can do just to see you. Goodbye now, I love you" he said in low voice. Napanguso ako at namula.

"Love you, too" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Walang I" napatawa ako sa reklamo niya.

Ang arte talaga! Hindi bagay!

"Tsk. I love you" sabi ko at ngumisi nang malaki. He chuckled and I ended the call.

I feel so happy. Para bang walang oras na hindi ako masaya. I felt content with just talking with him.

Good mood ako ngayon samantalang salungat naman iyon ng kasama ko ngayon. Ria is a bit off. No, she really is not in the mood. Tahimik lang niya akong binati kanina at hindi siya madaldal. Alam kong may mali. Kilala ko si Ria at medyo nawala ang good mood ko dahil sa kaniya. Nahahawa ako.

"Kanina ka pa gan'yan" sabi ko nang makababa kami ng sasakyan.

Marami na ring estudyante na nagkalat. Ang iba ay napapatingin pa sa amin. Some are so obvious whispering as they observe us. Nilibot ko ang tingin at napansing sa akin nakatingin ang iba. Baka siguro'y ngayon lang nila ako nakita or masyado silang nagandahan sa akin.

Wearing a powder blue ruffle off-shoulder blouse and a denim skirt, I look fresh. Nakalugay lang ang buhok ko 'di gaya ng kay Ria na nakamataas na ponytail. She's wearing denim shorts and a yellow halter tube. Hindi naman kami naiiba sa ibang estudyante dahil karamihan ng naroon ay ganoon din ang suot. Some are wearing a dress and some are just tee and jeans.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon