49

112 3 0
                                    

Sa mga ilang linggo ay nanatili muna kami sa bahay. Utos na rin ni Kuya at kahit na bagot na bagot kami rito sa bahay, wala kaming nagawa.

Kuya even bought us a PS5 and a lot of game CDs para raw iyon ang pagkaabalahan namin. Kaya naman kahit hindi namin magets ang laro ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa namin.

"May green herb ka?" Tanong ko habang nasa TV ang tingin.

"Ewan ko, coins lang yata 'to?" Hindi rin niya sure na sabi.

Sa totoo lang, hindi ko magets ang mga lalaki. Oo, at lalaki sila kaya hilig nila ang laro pero ang komplikado kaya! Kung ano-ano ang pipindutin mo para lang makatalon o kuha ng gamit. Pero kung mahilig akong maglaro, baka hindi na ako lumayas ng bahay at maghapon nalang maglaro.

"Asa'n ba dito 'yung mga..." Hindi ko naituloy ang sinasabi nang biglaang tumayo si Ria at tumakbo kung saan. Sa banyo siya nagtungo. Agad ko naman siyang sinundan at nakita na siyang dumuduwal sa lababo.

"Ano bang nakain mo!?" Kabado kong tanong at hinimas ang kaniyang likod.

Wala si Kuya dahil may inasikaso. Wala ring kasambahay at day off nila. Ang tanging kasama namin ay ang mga guards pero hindi ko naman sila pwedeng tawagin. Isa rin iyon sa bawal ni Kuya. Ang trabaho lang daw nila ay maging bodyguard at wala nang iba. Kahit pakikipagkaibigan o usap ay hindi pwede.

Nang matapos siya ay nagmumog at naghugas din siya nang mukha. Humarap siya sa akin sa salamin. Sinalubong ng kaniyang namumungay na mata ang aking kunot noong mukha.

"Baka naman buntis ka!" Pagbibiro pero may diin kong sabi.

Agad siyang namutla at natigilan. Nanlaki ang mata ko sa pag-iiwas ng niya ng tingin. "Gosh! Totoo?!" kompronta ko na ikina-iling niya nang dahan-dahan. I'm bewildered with her action.

"H-hindi ko pa alam," Aniya na ikinakalma ng mukha ko ngunit agad ring nagulat sa nalaman.

"Nakipagsex ka? Kailan?" Nagulantang pa siya sa mga sinabi ko. Humalukipkip ako at pinanliitan siya ng mata.

"H-huh? Um.. oo?" Inis ko siyang inirapan. Hindi pa siya sure!

"Kanino, kung ganoon?"

Para siyang tutang nag-iwas ng tingin at kumuha ng malinis na puting tuwalya para magpunas. Sinundan ko lang ang kaniyang ginagawa.

"Kay Kuya?" Tanong ko.

Natigilan siya at tumingin sa akin. Agad rin naman siyang nakabawi at dahan-dahang umiling. Napasinghap ako at mahinang napamura.

"Hindi kay Kuya?! Hindi ba't..." Hindi na ako makapagsalita nang yumuko siya.

Hindi ko siya kayang husgahan dahil alam kong may rason siya. Pero ang alam ko ay sila ni Kuya. Alam kaya ni Kuya ang tungkol dito?

"Magpacheck up tayo para—" hindi pa man ako nakakatapos ay umiling na agad siya.

"H-hindi ako buntis, Maye" she stubbornly said. Napairap ako at marahas na hinampas ang lababo.

"Paano kung oo? Mas maagang mapatignan, mas maayos! Mamaya nasa peligro ang bata!" Hindi ko mapigilang sinabi. Napabuntong hininga naman siya at napatakip ng mukha. Agad naman akong naguilty sa inasta at dinaluhan siya.

"H-hindi ko alam kung sa k-kaniya 'to, Maye" nanginginig niyang sabi.

Kahit na maraming tanong sa isipan ko kung sino, paano at bakit na nangyari iyon, hindi ko magawa. Alam kong nahihirapan pa rin siya kaya ayaw ko siyang guluhin. She's not yet ready.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon