13

118 10 12
                                    

Mabilis ang first grading at periodical test na namin next week. Lahat ay may sari-sariling nang ginagawa at pinagkakaguluhan.

Kuhanan na rin ng portfolio ngayon at pinapamigay ng officers ang mga paper works namin by subject. I organized my papers by subject so it will be easy for me to bind them.

May papel na nahulog sa bandang paa ko kaya pinulot ko iyon dahil baka nalaglag ko 'yung akin. Pero hindi akin.

"Hala, asan ''yung quiz number 5 ko?" Napalingon ako kay Leticia na nasa gawing kaliwa sa likod ko.

Natataranta na siyang naghahalungkat ng papel na ikinairap ko. Inilapag ko sa mesa niya ang papel na napulot ko. Napahinga siya nang maluwag at nagpasalamat.

I checked all my papers again to see if something's missing. Pero wala naman. Habang iniisa-isa ko ang mga papel ko ay lahat ng score doon ay perpekto. Walang mali, walang correction.

Dati lang kahit may mali akong isa o dalawa ay tuwang tuwa na ako sa nakukuha kong grado. Tuwang-tuwa ko 'yon pinapakita kila Mommy at daddy. They always treat me every time I got a high score.

Pero ngayon, seeing the scores on my papers is nothing to me. I don't see anything special in it. Whenever I hear my name along with my score, it doesn't really excite me or what. It's just a paper with the fruit of my studying.

Bakit pa ako ma-e-excite? Kanino ko ba 'yon papakita? Kay Dos? As if nakakapagsalita 'yon at sabihan akong:

"Ayessa ang galing-galing mo!"

Baka mapalayas na lang ako kapag bigla siya magsalita.

Napatingin na kami ngayon kay Ma'am Pablo nang matapos kami mag-report. Then she started adding some examples to our report or other explanation.

We made the report at my apartment last Saturday. Maaga kaming natapos dahil madali lang naman at tigi-tig-isa kaming example kaya walang nahirapan sa pag-e-explain.

"Salamat, group 4, pwede na kayong maupo" aniya na ikinabalik namin ng upuan.

Since it's already Wednesday, baka ngayon kami pag-gawain ng recipe na iluluto namin next week din.

"At 'yun na ang last nating lesson ngayon grading." Napatingin si Ma'am sa kaniyang relo. "May 30 minutes pa naman kayo, simulan niyo na ang paggawa ng recipe na gagawin niyo sa cooking laboratory next week." Aniya na ikinatango namin.

Since si Leticia ang leader, siya ang nagsulat ng kung ano ang gagawin.

"Magbrainstorming tayo" aniya.

"Ay nagsearch ako kagabi sa internet! Marami akong recipes na nakita" ani Shane at ipinakita ang mga pictures na nasearch niya.

"Pwede 'yan" ani Sam at nagtingin-tingin din.

"Sabi ay hindi naman dapat marami? Side dish nga, 'diba?" komento ko doon. Sinuri na rin ni Leticia 'yon at sumang-ayon.

"Oo nga noh, konti lang dapat" aniya at nagsulat-sulat.

"Ito kaya" pakita ni Shane muli sa isang picture.

"Oo, 'yan na lang" ani Leticia.

"Paano 'to gagawin?" Ani Sam at tinignan iyon.

Kinuha 'yon at tinuro ang mga itsura.

"It's just egg. Scrambled at mukhang may kaonting gatas dahil it looks creamy" sabi ko at tinuro ang nasa ibabaw no'n "These are just chives" dagdag ko.

"Wow, buti na lang nasa atin si Ayessa!" Ani Sam at pumapalpak pa na ikina-iling ko lamang.

"Grabe, ako rin naman ah!" Ani Leticia at ngumuso.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon