Umihip ang malamig na hangin at humalimuyak ang amoy dagat. Naglakad-lakad kami sa gawing dalampasigan. I'm still wearing my gown and I'm shivering from the cold.
Naramdaman ko ang pagpatong na kung ano sa aking balikat. Nilingon ko si Randell. Mataman lang siya nakatingin sa akin habang inaayos ang jacket na ipinatong niya sa akin.
"Thanks" bulong ko.
Tumagilid ang ulo niyang nakatingin sa akin. Bahagyang nagtagal ang mata ko sa kaniya bago bawiin iyon at dalhin sa dagat. Tanging ang paghampas ng alon at ingay mula sa malayo ang ingay sa paligid.
Maliban sa dibdib kong nagwawala na. Pilit ko namang ikinalma ang sarili.
Ang pangit naman kung bigla ko na lang siyang tatanungin sa nangyari sa amin. May naging galit man ako sa kaniya, hindi ko naman gawain ang mangbastos at mangpahiya ng tao kahit na kami lang mag-isa ang magkasama.
"Do you want to sit?" Tanong ko at nilingon siya sa aking kaliwa. Nakatalikod siya sa buwan kaya hindi ko makita nang maayos ang kaniyang mukha.
"Ikaw..." Aniya na ikinatango ko.
Umupo ako at inayos ang damit. Umupo rin siya sa tabi ko. Tahimik na nasa harap din ang tingin. Tulad ko.
Ngayong nasa tabi ko na siya, hindi ko magawang sumbatan pa ulit siya. Tapos naman na, nakamove on na ako. Hindi naman ako mag-iiwan ng hinanakit dahil lang sa nangyari sa amin. Kung tutuusin nga, napakababaw noon. Masyado lang ako nadala ng emosyon at pinahirapan ang sarili sa naramdaman noon.
I secretly smirked bitterly. I was so stupid. Kahit na ilang buwan lang ang nakalipas, alam kong natuto naman ako sa pagkakamali ko.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa marahang boses habang nakatingin pa rin nang deretso. Sa malayo at madilim na dagat na binigyang liwanag ng buwan. Nagsilbi itong lunas sa takot sa dilim ng dagat.
The moonlight gives sparkle to the deep, dark sea. It looks... peaceful.
He shifted. Nilingon ko siya.
"I want to... tell you everything" klaro niyang sabi. Tila ba'y determinado sa kaniyang gustong sabihin.
Hindi naman ako nagsalita at hinintay lang ituloy ang sasabihin.
"A year ago, when I discovered that Mikee, my ex, cheated on me." He said carefully.
Umawang ang labi ko at pinigilan ang pagkagulat sa kaniyang minungkahi. Her girlfriend cheated on her? How the...
"And her family doesn't know about it. There was a family dinner and Kuya Mike, his brother, was there. Along with her wife, your Ate Jiana..." patuloy niya na palihim kong ikinamangha. Parang puzzle na nabubuo sa isipan ko ang mga sinasabi niya.
Siya 'yong Mikee na kapatid ni Kuya Mike. How come I didn't notice that... Pangalan pa lang...
"Galit ako sa kaniya pero nakakahiyang hindi paunlakan ang anyaya ng kaniyang mama. Her mom is friends with my mom kaya nakakahiyang tanggihan, kahit na galit pa rin ako sa kaniya noon."
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Nakatitig lamang siya sa sand sa harap namin. Para bang iyon ang nagdidikta sa kaniya ng mga sasabihin.
I don't know why I feel sad for him. Her girlfriend cheated on her but he still respect her as a woman and even her family.
"Alam ng ate mo kung saan ka nag-aaral noon. Kaya nang nalaman niyang alam ko 'yon at may kakilala ako roon... nakiusap siya sa akin na tignan ka... She wanted to check up on you because she's worried. Huwag ko rin daw ipaalam na inutos niya sa akin 'yon..." Nag-angat siya ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Genç KurguJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...