"Tumigil ka na nga" naiinis pero nakangising-turan ni Randell. Ngumisi ako lalo at inabot ang mukha niya.
Kanina ko pa siya inaasar tungkol sa iniisip niya. He's an adult already and It's normal for them to think like that. Binubwisit ko lang siya dahil wala akong magawa. Nakakatuwa ring makita ang dimples niya at hawakan 'yon.
Ang gwapo pala talaga niya!
Wala namang ibang tao rito kun'di ako at siya. Wala na ang mga pinsan niya kaya wala ring maingay kun'di kaming dalawa.
"Siguro kapag nagtrabaho ka na, gano'n gusto mo, noh?" Pang aasar ko naman ikinatawa naman niya at umiling-iling.
"Of course, pangtanggal ng pagod." He said in a whisper and looked at me intently. Ginaya ko siya at naramdaman ko na naman ang pagwawala ng tiyan ko.
Hilaw akong tumawa at sumimsim sa inumin ko. I suddenly imagined him after work, in his working suit. Tapos pagod siyang hihilata sa sofa...
Namula ang pisngi ko sa iniisip. Ano ba, Ayessa!
"May personal masahista, noh..." sabi ko at naramdaman ko ang paglapit niya sa aking gilid. Bigla akong natigilan.
"You can apply for me..." bulong niya na ikinapula lalo ng pisngi ko. May kung anong bumulong sa aking demonyo na harapin ko siya pero ayaw ko. But I was betrayed by myself!
Nilingon ko siya at napagtanto na sobra na pala naming magkalapit. His eyes have something I can't explain. Unti-unti siyang ngumiti sa akin.
My face is burning! For sure!
"You're blushing" aniya kaya agad kong tinakpan ang mukha niya at tinulak. He chuckled sexily and I can't help myself but think about something else!
What the hell?
"Ano na? Tease me" aniya na na ngayon namang ikinatahimik ko.
I feel like I was a mute. Nakakahiya noh!
He's still wearing that annoying smirk! I want to punch it out of his face because I'm so embarrassed! Funny how I teased him about it but when he fired back making me speechless! Dapat pala'y tinigilan ko na siya kanina at ngayo'y hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya!
"When you apply for me, maybe a kiss is enough." Pang-aasar niya pa lalo.
Nagwawala na pati ang puso ko! Nakakatakot pala siyang asarin! Iba siya umatake!
Ngumuso ako. "Stop na nga!" I hissed at him.
He chuckled and pinched my cheeks. Lalo akong namula nang sumulyap ako sa kaniya at nakita ang nakangiti niyang labi.
Paano ako uuwi nito? Magtatricycle na lang siguro ako.
That was definitely the last time I could stand with him alone. Nilingon ko si Leticia na nakangisi.
I can feel my cheeks burn as I tell her what that weekend! It was still vivid in my mind that I wanted to slap myself to stop thinking about it.
Napapikit ako sa pagtili ni Leticia at hinampas ako. Agad ko naman iyon hinimas at sinamaan siya ng tingin.
"Tapos sasabihin mo walang namamagitan sa inyo?! Malandi!" Aniya na ikinalaki ng mata ko.
"I'm not malandi! Gaga!" Sabi ko at hinampas siya at napalakas yata na dahil napaungol pa suya. Natawa naman ako nang malakas at tinuro-turo siya.
"Ba't ka umuungol? Kadiri ka!" Sabi ko at hinampas siya.
"Gaga! masakit! Ang bigat ng kamay mo!" Aniya at hinimas pa rin iyon. Halos maiyak na ako sa tawa pero nang makabawi ay nilapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...