9

104 12 2
                                    

"Hay nako" ani Randell pagkalabas niya sa kusina at sumunod sa amin. Inilagay ko na ang juice sa coffee table sa gitna nila. Napansin ko ang tinginan nina Kuya Gab at Crane kay Randell. They look amused. Umismid na lamang ako at kumuha ng nachos.

"Iba yata hangin ngayon ah" ani Clane na ikinatingin sa kaniya ni Crane.

They both smirked and shook their head. Base on their name, magkapatid siguro sila at pati na rin sa kulay nila. Pero si Crane grabe yung puti. Nakakasilaw ba.

Sumandal ako sa headrest nang may maramdaman ako. Agad akong napabangon at tumingin kay Randell na tinanggal ang kaniyang kamay doon.

"Sorry" aniya na ipinagkibit-balikat ko lang at sumandal doon na mismo sa sofa.

"Ibang-iba nga, noh? Palakasin kaya natin" ani Larry at pumito.

Mukhang alam din ang kanilang tinutukoy. Napakunot ang noo ko at uminom ng juice. Napapano ba ang mga 'to.

"Kuya, anong oras uuwi sila mama?" Ani Art at kumuha ng fries habang nakatingin sa amin.

"Gusto mo, Maye? Kumain ka lang!" Alok niya at susubuan pa sana ako nang hawiin ng Randell ang kamay niya.

"Ah hindi na, madami na akong nakain" sabi ko na ikinasimangot niya.

Hinawakan ni Art ang kamay ko at sinukat iyon. Nag-abot ang thumb and index finger niya nang pagdikitin iyon.

"Busog ka niyan?!" Aniya na ikinatawa ko.

"Kapag ba kumakain ka, saan napupunta?" Natatawa kong tanong.

"Saan paba? Edi sa tit-" agad na tinakpan ni Larry ang bibig nito. Nagwala naman itong si Art para makawala.

"Puro kabastusan 'yang nalalaman mo" ani Randell at sinapok siya.

"Wow, parang kayo hindi ganoon ah" ani Larry at tumawa.

"Oh, bakit ikaw din naman ah?" Sumingit naman si Kuya Gab.

"Malamang lalaki ako" ani Larry at tinaas-taas ang kilay.

"Ang bantot ng kamay mo! Kadiri" ani Art at nagsapukan sila ni Larry.

"Eh bugok, saan ba napupunta ang kinakain? E 'di sa tiyan. Kay Maye mo pa talaga sasabihin 'yon" ani Larry at umiling-iling na bumalik sa kaniyang puwesto.

"Eh 'yun ang sabi ni Kuya Shan, ah!" si Art ulit.

Napatingin kaming lahat kay Randell na nanonood na sa TV.

"Huwag mo'kong idamay" aniya sa kalmang boses.

Nangibabaw ang tawa nina Crane at Kuya Gab tsaka tumingin sakin. Kinindatan pa ako ni Kuya Gab. Napailing na lamang ako sa kaweirduhan nila.

Nanonood na sila ngayon ng disney movie. The Little Mermaid yata kasi may serenang kulay pula ang buhok. Nasa sahig sila Annie, Art, Lomi, at Larry na nilalaro ngayon si Dos.

Tumayo si Art at lumapit sa amin. "Kuya, anong oras ba uuwi sila mama? Hindi mo'ko sinagot kanina" ani Art ulit at tumabi sa akin.

"Mga hapon" aniya na ikinalingon ko.

"Baka hindi lang hapon 'yon, nakita kong may kasama kanina babae eh" ani Crane na ikinasang-ayon naman ni Clane.

"Baka magshopping pa 'yon, kasama si ano eh" ani Clane na halatang nang-aasar na ang tinig.

"Sino?" Ani Randell at umayos ng upo.

"Edi si Mikee, sino pa ba" Crane said then weirdly glance at me.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon