46

105 4 0
                                    

I sighed. Looking up in the night sky, Randell's warm hand gives warmth to my cold hands.

Inaya niya akong lumabas. Hindi na ako nagreklamo dahil hindi naman ako inaantok dahil buong hapon na ako natulog.

Tahimik lamang kaming naglalakad sa tabing dagat hanggang sa makarating kami sa gawi ng mga coconut tree na may mga pailaw. Hinatak ko siya papunta sa may duyan. Kanina ay tinatawanan ko si Ria na hindi niya maabot ngunit ngayong ako ang nakakaranas ay gusto ko na lamang umiyak.

I heard Randell chuckle before he quickly scoops me and put me on it. Ngumisi ako at tiningala siya. Nakatayo siya sa harap ko, hawak pa rin ang kamay ko.

"You're my girlfriend now" he smirked. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes..." natatawa kong sabi. He leaned towards me. He leveled his eyes with mine.

"Do you love me?"

I almost snort at his question. Malamang!

"Sasagutin ba kita kung hindi?" Nanunuya kong sabi.

"I want to hear it from you," he said huskily. I smirked and take the staring competition with him.

"Say please" sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"What?" Nahihiya niyang sabi.

"Say 'Please, Ayessa. Say that you love me'" nanunuya kong sabi. Ngumisi naman siya at napa-iling. Yumuko pa siya na para bang nahihiyang sabihin iyon.

"Really?" duda niya. I smirked more.

"If you say it I will kiss—" "Please, Ayessa say that you love me" mabilis niyang sabi na ikinahagalpak ko ng tawa at hinampas siya.

I can't believe him! For a kiss! Ganoon siya kabilis!

"You're still so naughty," he said, amused to my naughtiness.

Ngumisi lamang ako at humilig sa duyan. "At ganoon ka kabilis para sa halik?"

Natawa ako nang bumuntong-hininga siya. I sighed and looked up. Sa pagitan ng mga dahon ng mga puno na sumasayaw, ang buwan ay nagpapagilas ng kaniyang paglinawanag.

"I love you" bulong ko. Sa buwan at sa kaniya.

I felt him moved closer to me. Bumaba ang mga mata sa kaniya at tinapatan ang namumungay na kaniya. Para namang bibigay bigla ang puso dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Dati pa lang, iba na talaga ang dating niya sa akin. The way he's always gentle whenever he's with me makes me feel something new. Something that I could only feel with him.

"I love you, Randell. Mahal kita" I wholeheartedly confessed in front of him. Nakatingin lamang sa kaniyang mga mata na malambot ngunit namumungay na nakatingin lang din sa akin. Unti-unting sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

"I thought I'd never love like this. I'm crazy in love with you, Maye. I know words cannot express... what I really feel right now because it's beyond that. I can feel it somewhere..." he said in his deep, husky voice tenderly.

Tumayo siya nang maayos at pumwesto sa likod ko. Sinundan ko lang siya ng tingin at nakitang may inilabas syang parihabang box.

Its color is a familiar shade of blue. He opened it and my eyes widen in adoration. It's a diamond vine circle pendant in a platinum necklace. It screams elegance and sophistication. He gently holds it that made me face in front. I hold my hair up and let him put in on me. Nang mailagay niya iyon ay bumalik siya sa harap ko.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon