Nagising ako nang maramdamang may pumasok sa kwarto. Hindi ko agad maaninag kung sino iyon kaya naman inayos ko muna ang sarili. Nang makitang si Kuya Jace ang pumasok na may dalang try ng pagkain ay umupo ako sa kama. The seriousness remained on his face but a small smile appeared on his lips.
"Anong oras na?" Tanong ko at naghigab. Pinatong niya ang tray sa bed side table na pagitan ng kama namin ni Ria. Parehas pa kaming napatingin kay Ria na gumalaw ngunit nanatiling tulog.
Tinignan ko naman si Kuya na may maliit na ngiti sa labi at nang tumingin sa akin ay mababang natawa.
"It's already midnight, Maye." Aniya na ikina-awang ng labi ko.
Ganoon kahaba ang tulog ko? Sabagay, sobrang pagod namin kakalangoy at pagsasaya kanina sa dagat. Umahon na lang ako nang tawagin na ako ni Kuya Jace at pagkaligo ko yata ay bumagsak agad ako sa kama.
Sumandal ako sa headrest ng kama. Pinanood ko si Kuya na ipaghanda ang kakainin ko. Kumuha pa siya ng bed table at doon pinatong ang aking pagkain.
Silence took over us. Komportable dahil tahimik lang din na nakatingin si Kuya sa babaeng nasa tabing kama ko. Ang pagkain ay seafood pero hinimay na iyon ni Kuya kanina para hindi na ako mahirapan.
I'm not naive to not see the relationship of my Kuya and my best friend. Ang tinginan nila at ang pagtataray sa kaniya ni Ria na parang wala lang kay Kuya ay para bang matagal na silang ganoon. Halatang nagugustuhan din ni Kuya dahil sa paraang iyon, nagkakausap sila.
"Matagal na kayo?" Sabi ko na ikinalingon naman ni Kuya sa akin.
Nagtama ang tingin namin at mukhang naintindihan niya ang sinabi ko. "Yeah..." Napapaos niyang sabi.
Ngumiti naman ako sa nalaman. "That's nice. Hindi ka naman pala single, Kuya." Panunuya ko. He chuckled deeply and shifted on his seat on my bed.
I'm closest to Kuya Jace lalo na't siya rin ang pinakaprotective lalo na sa akin. Siguro'y dahil siya pa lang ang walang pamilya kaya nasa akin pa rin ang oras niya. But knowing that he's in a relationship with Ria is kind of relieving. At least, I know how would Kuya will treat her.
"How about you and that Alfanta?"
Now it's he's turn to ask about my relationship with Randell.
I know what I feel about him and what I think our relationship would be right now. I have moved on from him. Not because I don't love him anymore but I have moved on from the pain he gave me. Pati ang galit ko sa kaniya, kinalimutan ko na dahil wala naman akong mapapala kung magpapalunod ako sa galit.
And that's the thing I don't want to do anymore. Ayokong nagpapalunod sa galit... nagpapadala sa galit. Because we don't know what anger can make us do and its result will always be our biggest regret in life.
I'm lucky because despite the anger I have for the people I loved, they still accepts me. Tanggap pa rin nila ako sa kahit anong paraan.
"Nagkausap na kami." Sabi ko matapos ang mahabang pag-iisip.
"And?"
Ingatan ko ng ulo si Kuya at nakitang kalmado lang siyang nakamasid sa akin. "Can we be together?" Mahina kong tanong at kinagat ang labi.
Alam ko namang nasa akin dapat ang desisyon dahil sa akin manliligaw si Randell. But a part of him wants to have him and be with him as time deprived us to be together. Dahil alam kong may namamagitan sa amin ni Randell. Kung niligawan niya ako noon, paniguradong kami na ngayon.
Pero hindi. We remained that way. We don't even give a label our relationship because he said that he's not in a hurry to be in a relationship with me.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...