10

133 12 6
                                    

Ingay ng mga kaklase ko na hindi magkanda-ugaga kakaayos ng truck na sasakyan namin ang nangingibabaw sa aming gawi.

It's already Friday at Foundation day na ng school namin. Katabi naming truck ang special section kung saan nag-aayos na rin sila. Their colors were green and yellow while ours is blue.

Rinig kopa ang bulungan at tawanan ng mga kaklase ko. Mga palaban talaga eh. Ayaw magpakabog kaya lalong ginandahan 'yung design ng truck. Sila-sila na rin ang mga nag-ayos at ako'y nandito lang sa bench, nakaupo, pinagmamasdan sila at ang ibang section.

"Hoy! Sa mga walang ginagawa dyan! Bumili nga kayo ng metallic foil!" Matinis na boses ng aming president na si Lina.

Nag-iwas ako ng tingin at nagmasid-masid sa paligid. Baka utusan pa ako.

Lahat ng year level ay nasa field na rin kasama ang kanilang mga truck. Isa ito sa pinakamasayang araw sa school pwera pa sa Intramurals. Dito rin namin makikilala ang mga bagong students at makasalamuha ang iba.

"Leticia! Ikaw na nga lang bumili! Ang daming nagbibingi-bingihan dyan!" Anang kaklase naming bading na ikina-irap ko. Bakit kasi hindi agad sila nagsibili, 'diba?

"Uh, sige" aniya at kinuha ang perang iniabot. Napalingon ako sa kaniya at sakto ring nagtama ang tingin namin. Ngumiti siya at alam ko naagad ang ibig niyang sabihin.. Hays.

Tumayo ako at sumama sa kaniya. Pumunta kaming canteen pero wala na daw kulay blue kaya lumabas pa kami.

"Doon na lang, mas mura do'n kaysa dito" bulong niya sakin nang madaan kami sa isang tindahan.

"Madami naman 'yang binigay nila" sabi ko na ikinakibit balikat niya.

"Hayaan mo na, mas mura naman doon eh" aniya at ngumisi. She even skipped happily like a child.

Bumili kami ng limang metallic foil. Hindi naman namin alam kung ano ang gagawin kaya dinamihan na namin. Pagkatapos bumili ay pumasok din kami sa school. Nagkalat ang mga estudyante na nakasuot na ang kanilang mga t-shirt. Ganoon din kami ni Leticia. Suot ang pinatatakan na t-shirt at jeans.

Nagulat ako nang bigla akong paluin ni Leticia ng isang metallic foil na naka bilot. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang ito kaya ginantihan ko ng hampas. Mukhang napalakas iyon kasi napasigaw siya dahilan ng pagtitinginan ng ibang tao sa amin.

"Aray naman! Mahina lang palo ko sa'yo, ah!" Aniya at hinimas ang ulo niyang pinalo ko.

Inirapan ko lang siya at nang makarating kami sa pwesto namin ay umupo ulit kami sa bench.

Naagaw ng pansin namin ang dumating na sasakyan. It's kinda familiar.

"Wow, sino kaya 'yan?" Ani Leticia sa tabi ko na iisa rin ang tinitignan. Gano'n na lang ang gulat ko nang lumabas si Randell sa driver seat at si Kuya Gab sa front seat.

Randell is wearing his uniform and Kuya Gab is in formal attire. Nagtatrabaho na ba siya? Baka. Nalingon ako sa tilian ng mga kaklase ko. Talagang agaw pansin sila dahil sa lakas ng dating at halos lahat ng estudyante ay sa kanila nakatingin.

"Hindi ba si Randell 'yon?" Ani Leticia sa tabi ko na ikinatango ko. Nasa kanila pa rin ang tingin. Nang maglapat ang tingin namin ay nag iwas ako ng tingin at nilipat kay Kuya Gab.

Hindi ko maipagkakailang gwapo ito dahil totoo! His hair is brushed up while wearing his neatly ironed formal attire? Damn.

Hindi naman sa sinabi kong hindi gwapo si Randell. Well... si Kuya Gab 'yung sinabihan ko so...

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon